Chapter 44

612 11 6
                                        

Lord, nakikiusap po ako, wag nyo pong kukunin sa akin si Adam. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling may mangyari sa kanyang masama.

Nawalan sya ng malay matapos nyang bumagsak kanina. May dumating na mga pulis at pinaputukan si William, tinamaan ito sa braso kaya nabitawan nito ang kutsilyo. Sa kasamaang palad nasaksak nya si Adam sa bandang dibdib at kasalukuyan syang nirerevive habang nasa loob kami ng ambulansya.

Hinawakan ko ang nanginginig kong isang kamay. Ayoko man isipin pero natatakot ako sa pwedeng mangyari.

"Adam! Wag mo akong iiwan, nakikiusap ako sayo kumapit ka! Wag mo kaming iiwan ni Jacob. Hindi ka pwedeng mamatay. Hindi ko pa nasasabi sayo kung gaano kita kamahal. Pakiusap gumising ka."

Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha ko. Sinubukan kong magpakatatag kahit ang totoo pinanghihinaan na ako ng loob. Ang pinanghahawakan ko lang ngayon ay ang pangako nya sa akin na hindi sya mawawala. Naniniwala ako kay Adam na tutuparin nya ang pangako nya.

"Clarissa!" Naabutan ako ni Gavin na nakaupo sa labas ng emergency room.

"Gavin! Si Adam!" Muli nanaman akong humagulgol ng iyak.

"Huminahon ka lang Clarissa. Matapang si Adam, sigurado ako na hindi sya susuko."

"Kasalanan ko kung bakit sya nag aagaw buhay ngayon. Kung sana hindi ako sumama, hindi nya dapat ililigtas ang buhay ko."

"Wag mong sisihin ang sarili mo, hindi mo kasalanan Clarissa. Kung may dapat mang sisihin, iyon ay si Mr. Perez, sya ang puno't dulo ng lahat. Dapat noon pa lang nakinig na sana ako kay Adam, hindi na sana ito humantong sa ganito."

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na si Veronica kasunod noon ay si ninang at si Kuya Chard.

"Clarissa!" Niyakap ako ni ninang ng mahigpit.

"Patawad po ninang."

"Sheessh, wala kang kasalanan anak."

"Pero dahil-"

"Hindi ko man alam kung anong totoong nangyari, pero naniniwala ako na kung papipiliin sya ulit ng pagkakataon ay gagawin nya pa rin na iligtas ka.

Muli nanaman akong humagulgol ng iyak. Tama si ninang, napakarami ng isinakripisyo ni Adam sa akin, pero anong ginawa ko? Puro problema ang ibinigay ko sa kanya.

"Hindi ko ini-expect na sa ganitong paraan tayo ulit magkikita Clarissa." Pilit na ngiti ang sumilay sa labi ni ninang. Ilang oras na rin ang nakalipas mula ng ipasok sa ER si Adam. "Masaya ako na bumalik ka na."

"Patawad po ninang kung-, kung bigla na lang po akong umalis."

Niyakap nya ako. "Ang mahalaga nandito ka na ulit." Nag iyakan kaming dalawa.

"Sya nga pala Clarissa, nabanggit sa akin lahat ni Adam ang tungkol sa anak nyo na si Jacob." Yumuko ako habang nilalaro ko ang aking daliri. "Kaya ka ba biglang umalis ay dahil doon."

Muli nanaman bumagsak ang luha ko. "Hindi ko sinasadyang lokohin si mommy, ilang beses kong sinubukang kalimutan si Adam pero-, pero sobrang mahal na mahal ko sya noon. Ang tanging paraan lang para maitama ko ang pagkakamali ko ay ang lumayo, pero hindi ko akalain na nagbunga yong nangyari sa amin ni Adam. Natakot po ako na baka malaman ni mommy ang tungkol sa amin ni Adam kaya pinilit ko si dad na lumipat ako sa Italy. Noong una, ang plano ko lang ilihim sa kanya ang pagbubuntis ko tapos babalik ako at ililihim ko sa kanya kung sino ang tunay na ama, pero nong lumabas si Jacob unti unti kong nakita ng pagkakahawig nila ni Adam. Natakot po ako na masira ko ang pamilya ni Adam, kaya naman nagpakalayo layo ako."

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon