Chapter 29

734 17 4
                                    

Sinalubong kami ni Mr. Laurel at iginaya papasok ng opisina. Dinala nya kami sa loob ng conference room, kasunod non ay pumasok ang isang staff at binigyan kami ng maiinom. Lumabas si Mr. Laurel at kaming dalawa ni Mr. Russo. Maya maya pa ay muling nagbukas ang pinto, pumasok si Mr. Laurel kasunod ang sopistikadang babae. Ganon na lang ang pagkabigla ko nong makilala ang babaeng kasama nya.

Veronica?

Tumayo kami ni Mr. Russo upang salubingin sya.

"Ma'am Veronica this is Mr. Alejandro Russo the CEO of FMG group of companies. Sir, I want you to meet the COO of Endless Desire, Ms. Veronica Ibanez!" Pakilala ni Mr. Laurel..

"It's my pleasure to meet you, Ms. Ibanez!" Inilahad nya ang kanyang kamay na agad din naman tinanggap ni Veronica.

"Nice to meet you too, Mr. Russo!" Malapad na ngiti ang rumehistro sa labi ni Veronica ngunit bahagya iyong nawala nong tinapunan nya ako ng tingin.

Muling bumukas ang pinto at iniluwa roon ang pamilyar na bulto. Kung nabigla ako dahil nakita ko si Veronica ay mas nabigla ako nong makilala ko ang sunod na pumasok ng conference room. Sandaling nagtama ang tingin naming dalawa. Maging sya ay nabigla nong makita ako, bakas iyon sa expression ng mukha nya. Agad nyang inalis ang tingin sa akin at ibinaling kay Mr. Russo.

"Mr. Russo, this is Adam Saavedra, the CEO of Endless Desire. Sir, this is Mr. Alejandro Russo, the CEO of FMG group of companies "

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mr. Laurel.

CEO? Si Adam? Kailan sya naging CEO? Ilan taon lang akong nawala. Hindi ko akalain makakapagpatayo sya ng sariling kompanya.

"Buenos días, señor?"  Inilahad nya ang kanyang kamay na agad din naman tinanggap ni Mr. Russo.

"Buenos días, Mr. Saavedra!"

Jusko naman! Sa dami dami ng kompanya sa Pilipinas, bakit yong kompanya pa ni Adam?

Mapagbiro ang tadhana. Bakit kung sino pa ang taong iniiwasan ko ay sya pang paulit ulit kong nakakatagpo.

Natigilan ako sa pag iisip nong mapansin kong nakatingin sila sa akin.

"Ah, by the way, this is Ms. Suarez, project manager, she is in charge of this project." Pakilala sa akin ni Mr. Russo.

"Ms. . . . . SUAREZ!" dumako ang tingin ni Adam sa daliri ko. Pasimple kong itinago ang aking kamay.

My ghad! Hindi ko suot ang singsing.

"Nice to meet you, MS. Suarez!" Pinagdiinan nya ang word na Ms.

Inilahad ni Adam ang kamay nya sa akin. Nilingon ko si Mr. Russo bago tinanggap ang pakikipagkamay. "Good morning sir!"

Matapos iset up ang laptop ay sinimulan ko ng idiscuss ang tungkol sa project proposal ng FMG sa Endless Desire. Medyo naiilang ako, kanina pa kasi titig na titig sa akin si Adam. Ni hindi ko nakitang inaalis nya sa akin ang tingin.

Hindi ko akalain na sa laki ng Pilipinas ay magkikita kami dito. I, mean ang layo ng bahay nya sa lugar na ito. Paano sya napunta rito? Araw araw ba syang umuuwi sa bahay nila ni mommy?

"No offense Mr. Russo, but I think the project is too risky," putol ni Veronica sa iba ko pang sasabihin. "It will take a lot of time and it will cost a billion of pesos. Yet, we're not sure if this is really profitable or not."

"I know that this project is too risky and it will cost billions of pesos, but I believe that Ms. Suarez can make this project to be successful."

"What do you think Adam?" Tanong ni Veronica.

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon