Chapter 43

788 9 8
                                        

"ADAM!!" Malakas na sigaw ni Clarissa mula sa di kalayuan.

"Dyan ka lang Clarissa!" Pigil ko sa kanya nong balak nyang lumapit sa akin. Natatakot ako na baka sya ang pagbalingan ng galit nong lalaki.

Nagkagulo ang mga tao nong makita nilang may dugo ang kutsilyong hawak nong lalaki.

"Jusko William anong ginawa mo?" Hysterical na sambit ng mama ni Ella. "Ibaba mo ang kutsilyo! Susmaryosep walang kasalanan si sir Adam!" Susubukan sanang lumapit ng nanay ni Ella subalit pinigilan ito ng kanyang asawa nong muling itinutok sa akin nong lalaki ang hawak nyang kutsilyo.

"Hindi tita! Ang lalaking ito ang dapat sisihin! Kung hindi nya sana hinayaan yong Perez na yon na makatakas sa batas buhay pa sana si Ella. Kinunsinti ng lalaking ito ang matandang yon kaya paulit ulit nyang-, . . . . ." Natigilan sya sa pagsasalita saka humagulgol ng iyak. "Ang kaawa awa kong si Ella."

"Naiintindihan kita at nakikiramay ako sa kalungkutan mo."

"Tumahimik ka! Anong magagawa ng pakikiramay mo? Kahit anong sabihin mo, hindi mo na maibabalik ang buhay ng girlfriend ko!"

"Tama ka, wala akong kakayahan na ibalik si Ella dito pero nangangako ako na gagawin ko ang lahat ng paraan para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nya."

Tumawa sya na parang baliw. "Hustisya?" Napalitan ng poot ang expression ng mukha nya. "Sinungaling! Ganyan din ang ipinangako nyo noon kay Ella, pero anong nangyari? Namatay sya na may sama ng loob. Hindi na ako makikinig sayo Saavedra. Hindi mo na ako trabahador kaya hindi na ako matatakot sainyo. Mula ngayon ako na ang batas at ako ang magbibigay hustisya sa lahat ng mga taong naging sangkot sa pagkamatay nya."

Trabahador? Ang lalaking ito ay dating nagtatrabaho sa pabrika? Hindi kaya- . . . hindi kaya ang lalaking ito ang tinutukoy ni Gavin noon na dahilan ng sunog sa pagbrika?

Nakaramdam ako ng pagkahilo nong bahagyang kumirot ang sugat sa bandang tagiliran ko. Pasimple kong tiningnan ang kamay kong may dugo. Marami rami na rin ang dugong umagos. Bago pa ako mawalan ng balanse ay nasalo ako ni Clarissa.

"Clarissa! Anong ginagawa mo dito? Bumalik ka na doon ayokong mapahamak ka." Mahina kong sambit sa kanya.

"Hindi Adam! Hindi ako aalis dito!"

"Sya ba yong girlfriend mo? Yong babaeng muntik ng mapahamak sa kamay ng matandang yon? Anong pakiramdam Saavedra? ANONG PAKIRAMDAM NA YONG BABAENG PINAKAMAMAHAL MO AY MUNTIKAN NG MAPAHAMAK? diba parang gusto mong pumatay? Kung kailan napahamak ang girlfriend mo saka ka lang gumawa ng aksyon. Bakit Adam? Nasan ka habang naghahasik ng kasamaan yong matandang hukluban na yon? Anong ginawa mo habang humihingi ng tulong ang mga manggagawa mo? Nagmakaawa sainyo si Ella pero imbes na pakinggan nyo ang reklamo nya tinanggal nyo pa siya sa trabaho!"

"Nagkakamali ka! Walang kasalanan dito si Adam!"

"Manahimik ka! Wala ka dito nong mga panahon na iyon kaya wala kang alam!"

"Oo tama ka, wala nga ako dito nong nangyari ang insidente pero naniniwala ako kay Adam. Alam ko na ginawa nya ang lahat para mabigyan ng katarungan si Ella."

"Clarissa tama na." Pinigilan ko si Clarissa sa iba nya pang sasabihin. Natatakot ako na baka sya ang pagbalingan nong William. Nanlalambot ako dahil sa matinding sakit na natamo kong sugat, baka hindi ko sya maipagtanggol kung bigla na lang itong umatake ulit.

"William pakiusap, ibaba mo ang kutsilyo, walang kasalanan dito sila ma'am Clarissa at sir Adam!" Umiiyak na pakiusap ng nanay ni Ella.

"Hindi tita, buhay pa sana si Ella kung nabigyan ng hustisya ang ginawa sa kanya ng matandang si Perez!"

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon