"Clarissa, anak!" Napalingon ako kay mommy na ngayon ay nakatayo sa likuran ko.
Nanlalaki ang mata nya habang nakatingin sa hawak kong singsing.
"Clarissa anak, ang totoo nyan-"
"Engagement ring ma?"
"Ano kasi,-" Halatang natataranta si mommy, hindi nya alam kung paano sasabihin sa akin ang tungkol sa kanila ni Adam. ". . -naalala mo ba yong lalaking sinasabi ko sayo na boyfriend ko? Ang totoo nyan, nag propose na sya sa akin."
Kahit alam ko na ang totoo, ang sakit pa rin palang pakinggan ang katotohanan. Pinilit kong ngumiti sa kabila ng pangingilid ng luha ko. "Si Adam ba mommy?"
"Ha?"
"Y-ong, yong l-lalaking tinutukoy mo? Si Adam ba?"
Sandali syang natulala sa sinabi ko. "Paanong? Oh my ghad! How did you know?" Natuptop nya ang sariling bibig.
Boba ka talaga Clarissa! Bakit kailangan mo pang itinatanong sa mommy mo, eh alam mo naman ang isasagot nya. Alam ko naman na masakit ang katotohanan, pero paulit ulit kong sinasaktan ang sarili ko. Nababakasakaling sa paraang ito magigising ako sa katotohanan.
"I'm happy for you mom!" Nag unahan sa pagbagsak ang mga luha ko.
"Oh my ghad, I'm sorry Clarissa! Hindi ko intention na maglihim sayo." Lumapit si mommy at niyakap ako.
Wala syang kaalam alam ng tunay na rason kung bakit ako umiiyak. Ang alam nya lang ay nasaktan ako dahil inilihim nya ang tungkol sa kanila ni Adam. Well, partly true pero ang tunay na dahilan ng nagpadurog ng puso ko ay ang katotohanang ang lalaking mahal nya ay ang buhay ko.
"Sorry anak kung naglihim ako sayo, natakot kasi ako na baka hindi mo matanggap ang relasyon namin."
Hindi ko talaga matanggap at hindi ko alam kung kakayanin ko ba na makita silang magkasama.
"M-masaya ako pa-" kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pag hagulgol. "I'm happy for you mommy! Masaya ako na nahanap-. . " Oh my ghad! Nangangatog ang boses ko. "Masaya ako na nahanap mo na yong lalaking makakasama mo habang buhay." Pinunasan ko ang luhang walang tigil sa pagbagsak. "Hindi ka na malulungkot, dahil meron ka ng Adam na magmamahal sayo."
Niyakap ako ni mommy ng mahigpit habang hinagod ang likod.
"Kahit mag asawa na ako hindi magbabago ang turing ko sayo anak, ikaw pa rin ang nag iisa kong baby."
"I love you mommy!"
"I love you, Clarissa!'
The decision I made is torturous for me, but I need to learn how to forgive and forget. I know it's hard, but I'm trying my best for the sake of my mom. I'm willing to endure all the pain because I love them. Adam was right, kasalanan ko ang lahat kung bakit ako nasasaktan. Pinilit ko ang sarili ko sa kanya kahit paulit ulit nyang sinabi sa akin na hindi nya ako mahal. Siguro ang natutunan ko sa relasyong ito, kapag nagmamahal dapat mutual, hindi pwedeng isa lang. Masakit pero kailangan kong tanggapin na kahit kailan hinding hindi sya magiging akin. Mula ngayon pinapalaya na kita Adam. Goodbye my first love!
"You're so pretty ma'am!" sambit ng make up artist matapos nya akong ayusan.
"Thank you!" Nagpaikot ako ako sa harap ng salamin.
Gustong gusto ko talaga yong dress na ipinatahi ni mommy. Para akong disney princess.
"So, how's my princess." Nilingon ko si mommy na kapapasok lang. "Wow! You're so gorgeous anak manang mana ka kay mommy!" Lumapit si mommy at hinalikan ako saka niyakap.
BINABASA MO ANG
I'm All Yours
RomanceClarissa, a 16-year-old girl, is deeply in love with her mother's best friend's younger brother, Adam. Despite their significant age gap of 9 years, Clarissa remains undeterred by their difference in age. She attempts to seduce Adam, but he consiste...