Chapter 22

956 16 6
                                        

Bandang alas dos ng madaling araw nong bumangon ako para pumunta sa kwarto ni mommy. Pagpasok sa loob ay nakita ko si mommy na mahimbing na natutulog. Maingat na sumampa ako sa kama at dahan dahang tumabi sa kanya. Pumuwesto ako sa kanyang likod at niyakap sya.

"Clarissa? Bakit nandyan ka? May problema ba anak?"

"Sorry mommy kung nagising ko po kayo. Namiss lang po kitang katabi." Tinanggal ni mommy ang kamay kong nakayakap sa kanya saka sya umikot paharap sa akin. Niyakap nya ako saka hinalikan sa noo.

"Bakit naglalambing ang baby ko?"

"Mommy, k-kpag ba may baby na kayo ni Adam, makakalimutan nyo na po ba ako?"

"Of course not!" Mabilis nyang sagot. "Bakit naman sumagi yan sa isip mo. "Hinding hindi magbabago ang trato ko sayo, ikaw pa rin ang baby ko." Muli ko syang niyakap ng mahigpit. "Mommy, mahal na mahal po kita! Susuportahan ko po kayo sa mga bagay na nakakapagpasaya sa inyo. Masaya ako para sainyo ni Adam."

"Thank you anak! Sobrang love na love din kita anak."

"Mommy busy po ba kayo next week? Pwede po ba tayong magbonding na tayong dalawa lang kahit 2 days."

"Pwede naman, pero bakit biglaan yata na gusto mo akong makabonding. I mean, I'm happy to hear that, but I remember the last time na niyaya kita you told me na na boring pag tayong dalawa lang. Mas gusto mo pag may kasamang iba. May problema ka ba anak?" Bakas sa mukha ni mommy ang pag aalala.

"Wala naman po, parang namiss ko lang na maghiking saka camping na tayong dalawa lang."

"Don't worry my dear, I'll clear all my schedule on saturday and sunday." Ngumiti ako kay mommy.

"Thank you mom!" Niyakap ko sya ng mahigpit.

So ayon sumapit ang araw ng Friday and super excited ako. Thursday pa lang nakahanda na ang mga dadalhin namin ni mommy. Medyo matagal na rin mula nong huli kaming nakapagbonding ni mommy. Friday night pa lang ay bumiyahe na kami papunta sa destination. After ng ilang oras na byahe sa wakas ay nakarating na kami don. Bago sumikat ang araw ay naghanda na kami para sa pag akyat. Bago kami umakyat ay tinuruan kami ng mga safety guidlines para maiwasan ang aksidente. Panay ang kuha ko mga litrato namin ni mommy at ng magagandang tanawin. Sobrang sarap ng feeling nong marating namin ang tuktok. Kahit nakakapagod ang pag akyat worth it naman kasi yong feeling sa itaas hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko lahat ng mga gumugulo sa isip ko, mga problema and heartaches ay tuluyang naglaho nong makita ko ang satisfying view sa ibaba.

"Kahit ilang beses na akong nakaakyat dito hindi pa rin nagbabago yong feeling ko sa lugar na ito."

"Yeah! I remember pumunta kayo dito ng mga employee for team building."

"I also went here with Adam."

Yong genuine na ngiti ko napalitan ng pilit na ngiti.

"Talaga po?" Ayokong maramdaman ito pero hindi ko pa rin kayang iwasan.

Humarap sa akin si mommy, malapad ang pagkakangiti nya. Bakas sa mukha nya ang sobrang saya kapag about kay Adam ang pinag uusapan.

"Napakamemorable ng place na to para sa amin ni Adam, dahil dito ko sya sinagot."

Pinilit kong ngumiti kahit kumikirot ang puso ko.

"Yong picture nyo po na nakadisplay sa kwarto nyo and yong picture ni  Adam na nakadisplay sa condo nya na kuha dito sa lugar na ito, yon po ba ang araw na sinagot nyo sya?"

"Oo anak, sobrang memorable kasi talaga ng araw na iyon. Kaya pinaprint ko yon at pina-frame. Ang gusto talaga ng kuya Adam mo palit kami ng picture pero hindi ako pumayag, natatakot kasi ako na mahalata nyo kami. Hindi ko expected na magiging kami ng kuya Adam mo that time. Ilang beses ko kasi syang binusted." Bahagyang tumawa si mommy habang inaalala ang nakaraan.

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon