Chapter 41

584 13 3
                                    

"Hello Julian, napatawag ka, may nangyari ba?"

Hindi sya nagsalita, tanging malalim na paghinga lang maririnig sa kabilang linya.

"Hello Julian, ok ka lang ba?"

Matagal na katahimikan ang namayani sa amin bago sya nagsalita.

"Kailan pa Adam? Kailan pa?" Kakaiba ang tono ng boses ni Julian para bang nakainom sya.

"Brad, may problema ba? Ok ka lang ba?"

"Kailan nyo pa ginagawa yan ni Clarissa?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong nyang iyon.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Kailan pa kayo may relasyon?" Bakas sa boses nya ang matinding galit.

Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago ako nagsalita. "I'm sorry Julian," iyon lang naisagot ko sa kanya.

"I'm sorry? T*ng ina mo brad! Paano mo nagawa sa akin yon?"

"I'm sorry!"

"Kahit ilang libong beses mong sabihin sa akin yan hindi kayang takpan ng sorry mo ang pang gagag*ng ginagawa nyo sa akin. Ang sakit brad, kasi ang taas ng tingin ko sayo, hindi ko akalain na magagawa mo akong traydorin!"

"Julian-" bago pa ako makapagsalita ay pinatay na ni Julian ang tawag. Nong tinawagan ko ulit ang number nya ay out of coverage na ito

Naisuklay ko ang kamay ko sa aking buhok saka sumandal sa headboard ng kama.

Ano bang ginagawa ko? Ilan pa ba ang kilangan kong saktan para lang mahalin si Clarissa?

Kinabukasan sinubukan kong kausapin si Clarissa subalit desido na sya na kalimutan ako. Ngayon ko lang narealize kung ano ang pakiramdam na ipagtabuyan palayo, ang sakit pala.

Nong sumunod na araw nabalitaan ko mula sa barkada na namatay na ang lola ni Julian. Sa pagkakaalam ko ang lola nya ang dahilan kung bakit sya pumunta ng China pero dahil sa nalaman nya tungkol sa amin ni Clarissa ay bumalik sya agad ng Pilipinas. Ang sabi ni Tobi hindi na daw naabutan ni Julian ang lola nya dahil nong araw na bumalik sya ng Pilipinas ay iyon ang araw na nag aagaw buhay na ito. Kahit alam kong kinasusuklaman ako ni Julian ay naglakas loob akong dumalaw sa libing ng lola nya. Pagkakita nya sa akin ay agad nya akong nilapitan saka inundayan ng suntok.

"Anong ginagawa ng hayop na yan dito!"

"Brad kalma lang, si Adam yan," awat ni Oliver.

Walang kaalam alam ang mga kaibigan namin maging ang pamilya nya sa dahilan ng pag aaway naming dalawa.

"Sa barkada natin alam ng lahat kung gaano kita hinahangaan Adam. Ikaw yong taong pinagkakatiwalaan ko ng sobra pero hindi ko akalain na ikaw yong taong magtatraydor sa akin!"

"Julian baka pwede kayong mag usap ng mahinahon ni Adam. Nakakahiya maraming tao," wika ni Tobi.

"Hindi ako ang dapat mahiya kundi ang taong yan! Wala ng rason para mag usap pa kami. Mula ngayon pinuputol ko na, ano mang ugnayan nating dalawa!"

"Julian!" awat ni Javier.

"Paalisin nyo ang traydor na yan dito!"

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

"Pasensya na Adam pero mas makakabuting umuwi ka na muna. Hindi ko alam kung ano ang pinag awayan nyong dalawa pero mas maganda kung pahuhupain mo muna ang galit ni Julian."

"Tama si Oliver Adam, namatay ang lola ni Julian kaya medyo emosyonal sya ngayon,"dugtong ni Javier.

Wala akong nagawa kundi ang umalis sa lugar na iyon. Habang nasa loob ng sasakyan ay inisip ko ang lahat ng mga nangyari. Hndi ko dapat niloko si Catalina. Hindi ko dapat trinaydor ni Julian. Hindi ko dapat ito nararamdaman ito kay Clarissa. Naawa ako kay Julian, hindi ko naman ginusto na mangyari yong ganito. Hindi ko naman gustong saktan sya. Hindi ko sila gustong saktan. Ano bang dapat kong gawin?

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon