Chapter 35

912 15 13
                                    

"Jusko Clarissa, mabuti na lang tumawag ka na!" Bungad sa akin ni manang.

"Bakit po manang Salve? May nangyari po ba?" Bigla akong kinabahan sa tono ng kanyang boses.

"Anak si Jacob-"

"Ano pong nangyari kay Jacob?"

"Si Jacob anak-. . . . .  nawawala sya?"

"P-po?" Gumapang ang kaba sa buo kung katawan, nanlambot rin ang aking tuhod.

Kinakailangan ko pa ng makakapitan upang magkaroon ng lakas para tumayo.

"A-no hong ibig nyong sabihin? Paano ho nangyari na nawawala sya?"

"Pauwi na sana kami galing supermarket di ko sinasadya na mabangga yong-. . . . yong babae tapos tapos natapon lahat ng pinamili nya. Tinulungan ko lang sya sandali tapos. . . .  tapos pagtingin ko wala na sa tabi ko si Jacob." Bakas sa boses nito ang takot at ang pag pigil ng iyak.

"Sinubukan nyo na po bang humingi ng tulong?"

"Oo anak, nagreport na ako sa mga pulis pero hanggang ngayon hindi pa rin nila nakikita si Jacob."

"Ilang oras na ho syang nawawala?"

"Mahigit apat na oras na anak."

"Jusko!" Tuluyan na akong naiyak.

"Manang ano pong nangyari? Bakit nyo po hinayaang mawala sa paningin nyo si Jacob."

"I'm sorry Clarissa! Hindi ko sinasadya."

"Mana-"

"Ma'am Suarez, ipinatatawag na po kayo sa conference room."

"Ah-" pinunasan ko yong luha ko bago ko hinarap ang staff. "Susunod na ako, salamat." Sinubukan kong ngumiti kahit ang bigat ng pakiramdam ko. Nagpaalam na ito at nauna na syang pumasok.

"Hello manang! Kumalma ho muna kayo. Gagawa ako ng paraan, hihingi ako tulong. Kung kinakailangan kong bumalik dyan, babalik ako. Tawagan nyo po ako para i-update." Matapos kong sabihin iyon ay nag paalam na ako. Bago pumunta sa conference room ay nagpunta muna ako sa banyo para magretouch.

Balak ko sana magpaalam kay Adam na mauuna na akong umuwi pero pagdating ko sa conference room kumpleto na sila at ako na lang ang iniintay. Wala sa sariling naupo ako sa aking upuan. Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko kahit para akong sinisilaban sa aking upuan. Hindi ako mapakali, parang gusto ko lumipad papuntang Barcelona.

Ang atensyon ko ay wala sa nagsasalita sa harapan. Sinubukan ko magfocus pero hindi ko magawa, di ko maiwasan mag alala kay Jacob. Kanina pa sya nawawala. Sigurado ako na umiiyak na sya ngayon. Natatakot sya lalo na't wala ako sa tabi nya. Lord, gabayan nyo po ang anak ko, wag nyo pong hayaan na mapahamak sya.

Panay ang tingin ko sa relo at cellphone. Mag aalas otso na pero hindi pa rin natatapos ang meeting. Alam ko na maraming lapse ang management kaya kailangan namin mag ot pero gusto ko ng hilahin ang oras para makauwi. Kanina ko pa gustong gusto tawagan si manang.

"Ms. Suarez! Ms. Suarez!"

"Clarissa tinatawag ka ni sir." Bulong ng katabi ko.

"Ha?" Pag angat ko ng tingin ay nakatingin silang lahat sa akin. Habang si Adam ay blankong nakatingin lang sa akin. "I'm sorry what was the question again?"

"Ehem!" Tikhim ni Mr. Rivero. "Nakausap na ba ang mga supplier?"

"Ahm, yes sir."

"Nakapagreport na ba sa FMG?"

"Yes sir, nakausap ko na rin po si Mr. Russo.

"Are you tired Ms. Suarez?" Nakataas kilay na tanong ni Adam.

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon