Chapter 33

731 14 6
                                    

Tinanggal ko muna ang password ng cellphone ko bago ito inabot ito kay Jasper.

"Para saan po ito ma'am?" Nagtataka nyang tanong.

"Tawagan mo ang number na iyan kung sakaling may gawing masama sa akin si Mr. Perez." Number iyon ni Gavin. "Kung sa tingin nyo naman nanganganib na ang buhay ko, tumawag agad kayo ng pulis."

"Ano pong binabalak nyo ma'am?"

Kinuha ko ang tinidor saka ko iyon inilagay sa bulsa ng aking blazer."

"M-ma'am saan ka pupunta?" Tanong ni Cristy nong tumayo ako sa kinauupuan ko. Isa sya sa mga empleyado ng company. Kumuha ako ng alak saka iyon binitbit papunta kay Mr. Perez.

"Mr. Perez! Okay ka lang ba dyan?" Masigla kong bati kahit ang totoo kinakabahan ako.

"Oo naman Ms. Ganda."

"Gusto mo bang tagayan kita?"

"Sure!"

"Miss pwedeng dito muna ako," wika ko sa babaeng katabi ni Mr. Perez. Nagmamadali naman itong tumayo. Bakas sa mukha nya tila nabigyan sya ng pag asa.

Kinuha ko yong baso ni Mr. Perez saka ko ito tinagayan. Sa dami ng ininom ko di ko akalain na tatablahan ako ng alak. Para bang sanay na sanay si Mr. Perez na uminom.

"Lasing na kasi itong jowa ko sinasamahan ko lang," wika nya sa isa sa customer na napadaan. "Sige daritso lang kayo." Pagtataboy nya sa ilang nakikiusyuso.

"Jowa?" Sinubukan kong alisin ang kamay nya pero pilit pa rin nyang ibinabalik.

"Wag ka ng magpumiglas Ms. Suarez masasarapan ka naman mamaya sa gagawin natin." Nakakapangilabot nyang bulong sa tenga ko.

Naramdaman ko ang malikot nyang kamay sa aking hita. Ubod lakas ko syang itinulak palayo pero dahil sa epekto ng alak parang balewala lang ito sa kanya. Wala rin ni isang naglakas loob na tulungan ako. Maging ang staff ng resto bar ay tila patay malisya sa ginagawa ng matandang ito. Wala bang cctv ang establisyemento na ito?

"Bitawan m-" Bago pa ako makasigaw ay tinakpan nya ang bibig ko.

Nagpumiglas ako subalit sadyang malakas sya. Hinatak nya ako papasok sa loob ng storage. Gumapang ang takot sa buo kong katawan lalo na nong isinarado nya ang pinto pagkatapos ay nilock. Pakiramdam ko hindi lang ito ang unang beses nyang ginawa ito.

Pinaharap nya ako sa pader habang nasa likuran ko sya. Halos masubsob ang mukha ko sa pader. Ang dalawa kong kamay ay inilagay nya sa aking likuran saka hinawakan.

"Ang bango bango mo!" Pinasadahan ng dila nya ang dulo ng aking tenga.

"H*yop ka! Bitawan mo ako!"

"Wag ka ng magpumiglas sandali lang to."

"Arghhhh! Nasasaktan ako!"

"Wag kang mag alala dadahan dahanin ko lang para di masakit."

G*go tong hayop na ito. Pag nakatakas ako dito yari ka sa akin. Sana lang tumawag na si Jasper ng pulis.

Tumayo ang balahibo ko nong maramdaman ko ang matigas nyang alaga na nakadikit sa pisnge ng aking puw*t. Paulit ulit nya iyong ikinakaskas.

Ang isa nyang kamay ay hinawak nya sa aking hita habang itinataas ang suot kong skirt. Naramdaman ko ang matigas nyang kamay na gumagapang papunta sa aking pagkababae. Bago nya pa marating ang pakay ay ubod lakas akong sumigaw.

"SAKLOLO! TULUNGAN NY-" binitawan nya ang aking hita at tinakpan nya ng kamay ang aking bibig.

Halos nakayakap na sa akin si Mr. Perez habang paulit ulit nyang ikinakaskas ang kanyang alaga sa aking p*wet.

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon