"Ma nandito na ako!" Dinig ko ang malakas na boses ni ate sa labas ng aking kwarto.
"Magbihis ka na Avery, kakain na tayo ng tanghalian.
"Ah ma, may kasama ako si Catalina, kaibigan ko."
"Magandang tanghali po!"
Dahan dahan akong bumaba ng kama saka binuksan ang pintuan ng kwarto. Napatingin sa akin ang babaeng kasama ni ate.
"Kapatid mo?" Tumingin sa direksyon ko si ate.
"Ah oo, si Adam, ang nag iisa kong kapatid."
"Hi!" Nakangiti nyang bati.
Natulala ako nong ngumiti sya sa akin. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kaamong mukha. Maliit lang ang mukha ni Catalina. Meron syang pares ng mga mata na tila laging nakangiti. Mahaba ang kanyang itim na itim na buhok na laging sumusunod sa kanyang galaw.
"Adam umupo ka na dito, kakain na."
Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ng mesa saka tahimik na naupo.
"Hi Adam! Ilan taon ka na?" Tanong nya sa akin.
"Eight," maikli kong sagot.
"Eight? Wow eight ka pa lang pero ang gwapo mo na paano pa kaya pag naging binata ka na?" Natawa sila mama at ate sa sinabi ng kaibigan ni ate.
"Ako nga pala si Catalina, kaibigan ako ng ate mo." Nakangiti nyang wika.
Iyon ang kauna unahang pagkikita namin ni Catalina. Nong mga panahong iyon ay 2nd year high school pa lang sila. Parehas silang 14 years old ni ate. Mula nong raw na iyon ay napapadalas na ang ang pagbisita ni Catalina sa bahay palagi syang nakikipaglaro at nakikipag usap sa akin. Nasanay na ako na lagi syang nasa bahay kaya naman lagi kong inaabangan ang pagbisita nya.
Mabilis na lumipas ang araw at natapos ang isang taon. Bakasyon non pero pumunta sa bahay si Catalina.
"Sinagot ko na sya friend."
"What? Seriously?"
"Oo kami na na ni Herbert."
"Ayieee!"
Nasa kabila silang kwarto pero rinig na rinig ko ang tilian nila sa loob ng kwarto ni ate. "
"Paano mo sya sinagot?"
"Secret."
"Nagkiss na ba kayo?"
"Ano ba nakakahiya!"
"So nagkiss na nga kayo?"
"G*ga smack lang yon sa lips."
"Di nagkiss na nga kayo! Landi gurl! So anong pakiramdam ng first kiss?"
"Ano ba wag mo nga akong tinatanong ng ganyan nakakahiya."
"Sabihin mo na kasi yung feeling. Naiintriga ako."
"Ahm, hindi ko maintindihan. Nong magdikit yong lips namin, para akong nakuryente. Para akong lutang na ewan, feeling ko nasa heaven ako."
"Ayieee! Kainis ka gurl, nakakainggit ka. Kailan kaya ako liligawan ng crush ko?"
Ang babata pa nila lalaki na agad ang nasa isip. Isumbong ko kaya ito si ate kay mama.
Mula nong araw na iyon ay naging madalang na ang pagbisita ni Catalina sa bahay hanggang sa hindi na sya ulit pumupunta.
Isang araw malakas ang ulan sa labas. Ang sabi sa balita may bagyo daw na paparating. Malalakas na katok ang narinig ko mula sa labas.
"Jusko bakit basang basa ka?" Boses iyon ni ate. Kami lang ni ate sa bahay kasi sinundo ni papa si mama sa Nueva Ecija.

BINABASA MO ANG
I'm All Yours
RomanceClarissa, a 16-year-old girl, is deeply in love with her mother's best friend's younger brother, Adam. Despite their significant age gap of 9 years, Clarissa remains undeterred by their difference in age. She attempts to seduce Adam, but he consiste...