Chapter 26

1K 17 7
                                        

Dalawang araw ang mabilis na lumipas. Ngayon ang araw ng balik ni Mr. Russo mula sa business trip. Nag set sya ng appointment meeting para sa amin ni Regine. Sinigurado ko naman na clear ang lahat ng schedule ko this morning para hindi na maulit ang nangyari noong nakaraang araw.

Thirty minutes early akong nakarating sa meeting place. Sumunod naman na dumating si Regine. Nag ayos muna ako saka nagpractice ng sasabihin. Kailangan maiclose ko ang deal kay Mr. Russo, malaking pera ang nakasalalay sa proposal na ito.

After 25 minutes natanaw ko si Mr. Russo. Tumayo kami at sinalubong namin sya.

"Buenos dias, señor!" (-good morning sir!)

Bati ko sa kanya saka inabot ang aking kamay na agad din naman nyang tinanggap.

"Buenos dias!" ganting bati nya.

Ipinakilala kami ni Regine sa isat isa. .

"Itome asiento!" (-Please take a seat.) Sinenyasan nya akong maupo.

"Gracias!" (Thank you!)

Pagkaupo ay inilabas ko ang inihanda kong proposal saka inabot sa kanya. Ipinaliwanag ko sa kanya ang nilalaman ng proposal habang seryoso syang nakikinig sa akin. May mga ilang katanungan din sya na agad ko rin namang naipaliwanag ng  maayos. Matapos ang mahabang conversation ay sandali itong natahimik habang binasa muli ang iba pang nakasulat sa proposal.

"I like the idea," seryosong wika ni Mr. Russo. Napangiti ako.

Base sa expression ni Mr. Russo mukhang nagustuhan naman nya ang proposal.

"I will set up a meeting with the board member and I want you to be part of it. My secretary will send you an email for the schedule."

"Thank you very much Mr. Russo!"

Pagkatapos non ay nagpaalam na itong umalis.

"Sa tingin mo pipirmahan kaya ni Mr. Russo ang proposal?"

"Seventy percent naniniwala akong pipirmahan iyon ni Mr. Russo."

"Mabuti na lang talaga nandito ka Clarissa kasi hindi ko alam ang gagawin ko kung ako lang mag isa. Mukha pa naman masungit si Mr. Russo. Sayang ang gwapo pa naman nya. May girlfriend na kaya sya?"

"Wag mo na syang pangarapin masyadong syang mataas para sa mga tulad natin."

"Wag kang mag alala hanggang pangarap ko lang talaga sya."

"Paano iwan na muna kita dyan Regine, may appointment pa kasi akong dapat puntahan."

"Teka saan ka pupunta? Hindi ka na ba magla-lunch?"

"Mamaya na lang siguro."

"Eh diba mamayang hapon ka pa mag totour guide." Nabanggit ko sa kanya ang tungkol kay Gavin pero hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa nakaraan namin ni Adam. "Saan naman ang lakad mo?"

"May iba akong appointment." Matapos kong sabihin iyon ay iniwan ko na si Regine.

Pumunta ako sa parking lot saka sumakay sa aking sasakyan. Tinahak ko ang kahabaan ng daan. Ipinarada ko ang sasakyan sa tapat ng nursery school.

Pagpasok ko ng school ay binati ako ng guard. Binaybay ko ang daan papunta sa auditorium. Sinalubong ako ni manang Salve nong makita nya akong papasok. Tinawagan ko sya kanina habang nasa byahe para sabihin na on the way na ako.

"Manang si Jacob po?"

"Iyon kanina pa nakasimangot." Itinuro nito ang kinauupuan nya. "Mabuti na lang at nakaabot ka, kanina pa sya tanong ng tanong sa akin kung pupunta ka daw ba."

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon