"Clarissa!" Narinig ko ang mahihinang katok mula sa labas ng pinto. Boses iyon ni Julian. Tumayo ako sa kama para buksan ang ito. Nakasimangot akong lumabas ng kwarto habang nakapamewang.
Tatlong araw na mula noong umalis si mommy at pumunta sa ibang bansa. Tatlong araw na rin mula nong muli akong tumira kila ninang. Noong unang araw na bumisita si Julian sa apartment imbes na magkaroon kami ng time nito ay nag inuman lang silang dalawa ni Adam hanggang hating gabi. Umuwi si Julian na hindi man lang kami nagkaroon ng time para magbonding. Sinundo sya ng driver nila sa bahay ng lasing na lasing. Nong ikalawang araw na muling bumisita si Julian ay niyaya ulit syang uminom ni Adam. Tulad ng ikalawang gabi umuwi ulit itong lasing na lasing tapos ngayon gabi ganoon nanaman!"
"Babe uuwi na ako!" paalam ni Julian na parang babagsak na sa sobrang kalasingan. Pasuray suray syang naglakad palapit sa akin. Hinawakan nya ako sa magkabilaang pisnge saka ako ginawaran ng halik sa labi. Hindi lang iyon basta simpleng halik dahil nagtagal iyon ng ilang segundo.
Nakita ko si Adam na nakatayo malapit sa pinto ng kwarto ko. Nakasandal ito sa pader habang nakahalukipkip ang dalawang braso. Bahagya nyang iniba ang tingin nong makita nya akong nakatingin sa kanya.
"Uuwi na ako!" Ulit ni Julian sa akin. "Bukas bibisitahin ulit kita."
"Ako ba o si Adam?" Sarkastiko kong tanong.
"Syempre ikaw sino ba ang girlfriend ko?"
"Narinig mo yon Adam? Ako ang girlfriend nya, ako ang bibisitahin nya at hindi ikaw." Tiningnan ako ni Adam gamit ang blanko nyang expresyon.
"Ang cute cute mo talagang magalit." Niyakap ako ni Julian ng mahigpit.
"Hoy Julian tama na yan! Nandyan na sa baba ang driver mo, halika na!" Hinatak nya si Julian mula sa pagkakayap sa akin pero parang wala itong balak bitawan ako. Sa huli walang nagawa si Julian kundi ang bumitaw.
"Bukas na lang ulit ako babalik brad." Niyakap nya si Adam."
"Lasing ka na Julian!"
"Sino kayang may kasalanan?" Mahina kong bulong. Tiningnan ako ni Adam ng masama.
Nahirapan si Adam alalayan si Julian dahil parang natutulog na ito habang naglalakad kaya naman tumulong na ako sa pag alalay. Sinabihan ako ni Adam na kaya na nyang mag isa pero hindi ko sya pinakinggan.
"Seriously, gaano ba karami ang ininom nito?" Iritable kong tanong ngunit nanatiling tahimik si Adam.
Pagdating sa ibaba naabutan namin ang driver nito na nag aabang sa may labas ng gate. Kinuha nya sa amin si Julian saka inalalayan papasok ng sasakyan.
"Paki ingat na lang po sya." Bilin ni Adam sa driver.
"Ako na pong bahala sa kanya sir, salamat po!"
"Babe!" Tawag ni Julian sa akin.
Pilit nyang idinidilat ang mata kahit nahihirapan. Lumapit ako sa sasakyan saka sumilip sa loob. Hinawakan ako ni Julian sa batok saka hinatak palapit sa kanya. Muli nya akong ginawaran ng halik na ginantihan ko rin naman.
Aaminin ko hindi pa ako tuluyang nakakamove on kay Adam, mahal ko pa rin sya. Magkaiba ang sensasyong hatid ng halik ni Adam kumpara sa halik ni Julian, pero I'm try my best para makalimutan ko na si Adam at tuluyan kong matanggap si Julian. Mabait si Julian alam ko na darating ang araw na mamahalin ko rin sya gaya ng pagmamahal ko kay Adam.
"I love you Clarissa!" wika nya.
Ngumiti ako. "I love you too!" Nagpaalam ako sa kanya at tuluyan ko ng isinara ang pinto. Pinaandar ng driver ang makina ng sasakyan saka ito pinasibad. Hinabol ko ito ng tingin hanggang tuluyan itong nawala sa paningin ko.
BINABASA MO ANG
I'm All Yours
RomanceClarissa, a 16-year-old girl, is deeply in love with her mother's best friend's younger brother, Adam. Despite their significant age gap of 9 years, Clarissa remains undeterred by their difference in age. She attempts to seduce Adam, but he consiste...