Chapter 38

813 8 1
                                        

"I like you Adam!" Nakangiting sabi ni Clarissa. "Mula ngayon liligawan na kita!" Bahagyang tumaas ang kilay ko sabay tumawa.

"Anong nakain mo?" Pinipigilan ko ulit na tumawa halatang nainis sya sa ginawa ko.

"Seryoso ako Adam."

"Adam?" bahagyang kumulunot ang noo ko.

"Dahil nililigawan na kita kaya hindi na kita tatawaging kuya."

"At sinong may sabi sayo na pumapayag akong ligawan mo ako?"

"Wag ka na choosy sa akin ka din babagsak."

"Hoy Clarissa tumigil tigil ka nga sa mga biro mo! Hindi nakakatuwa."

"Hindi ako nagbibiro!"

Pinitik ko ang noo nya pagkatapos ay namulsa.

"Ang intindihin mo ang pag aaral mo hindi yang ligaw ligaw na yan. Kababae mong tao ikaw nanliligaw."

"Bakit, wala naman masama kung babae ang manliligaw sa lalaki."

"Sa iba wala, pero pagdating sayo meron. Ayokong nagbibiro ka ng mga ganyang bagay, sa akin o sa kahit sino mang lalaki. Ang atupagin mo ang pag aaral mo. "

"Kapag ba nag aral ako ng mabuti mamahalin mo na ba ako?"

Imbes na sumagot ay ginulo ko ang kanyang buhok bago sya nilampasan ng lakad. Napapailing na lang ako sa sinabi nya.

Haisat! Mga kabataan nga naman.

Noong una akala ko titigil si Clarissa sa pangungulit sa akin kung hindi ko sya papansinin subalit mas lalong lumala ang mga kalokohan nya. May pagkakataon na pumapasok sya sa loob ng kwarto ko mga bandang madaling araw na nakasuot lang ng nighties habang panty lang ang suot na undies.

"Anong ginagawa mo dito?" Umiwas ako ng tingin. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto.

"Wala pa kasi si ninang hindi ako makatulog pwedeng bang dito muna ako?" Maarte nyang sabi.

Anong drama nanaman ng batang to?

"Nababaliw ka na ba? Magpalit ka nga ng damit mo, Tingnan mo nga yang suot mo!" Nakaupo sya sa bandang paanan ko.

"Ang ganda kaya, ang sexy ko diba?" Tumaas ang kilay ko nong pisil pisilin nya ang kanyang dibdib.

Napailing na ako na bumaba ng kama. Kinuka ko ang kumot saka itinaklob sa kanya.

"Ay ano ba Adam!" Binalot ko sya sa kumot. "Palabasin mo ako dito." Inikot ko ang eyeball ko bago ko sya binuhat. "Ibaba mo ako Adam! Adam!"

Ipinasok ko sya sa kanyang kwarto saka inihagis sa kama. Mabilis akong naglakad palabas bago pa sya makahabol. Mula nong gabing yon ay lagi ko ng nilolock ang pinto ng kwarto baka sapian nanaman yon ng masamang hangin at pumasok nanaman sya sa kwarto ko.

Dahil sa mga kakaibang ikinikilos ni Clarissa ay nagdecide ako na bumukod ng bahay. Kumuha ako ng condo unit na malapit sa trabaho ko. Paminsan minsan ay umuuwi ako pero halos hindi rin ako nagtatagal. Sinasakto ko na nasa school si Clarissa kung sakali man na pumunta ako doon para may kunin.

"Adam wag ka na magalit, love! Pansinin mo naman ako." Umiwas ako ng tingin kay Catalina subalit pilit nya itong hinahabol. "Love naman, isang taon lang naman ako doon, promise." Ang tinutukoy nya ay ang pagpunta nya sa Canada.

Umupo sya sa kandungan ko at ipinulupot ang kanyang braso sa aking leeg.

"Love!" Hinawakan nya ang mukha ko at pilit na hinarap sa kanya. Nag pout sya. Ito ang ayaw ko kay Catalina hindi ko mapigilan na lumambot ang puso ko kapag nagpapacute na sya sa akin.

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon