Chapter 36

789 15 5
                                    

Bumukas ang gate at sinalubong ako ng babaeng naka maid uniform. Sa tantya ko ay nasa mid 20's ang edad nya. Maganda ito at may seksing katawan. Inanyayahan nya akong pumasok. Nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba ako o hindi lalo na't hindi ko alam kung sino ang nasa loob subalit desperado na ako. Kailangan kong makita ang anak ko.

Sinubukan ko syang tanungin subalit ngumiti lang ito sa akin at muling nagpatuloy sa paglalakad.

Habang tinatahak namin ang daan papunta sa napaka laking bahay ay natanaw ko ang mga lalaking nakasuot ng black suit. Nakatayo sila sa may labas ng pinto. Mukha silang mga mafia sa mga movies napapanood ko.

Jusko, hindi naman siguro mafia boss ang imeme-meet ko ngayon, diba?

Nong tuluyan na kaming nakapasok sa malaking bahay ay inihanda ko na ang aking sarili. Pasimple kong hinanap sa loob ng aking bag ang electric shock na nabili ko kahapon. In-case of emergency magagamit ko ito para tumakas.

Sinundan ko ang maid hanggang makaakyat kami sa 2nd floor. Iginaya nya ako papunta sa isa sa mga nakasaradong pinto roon. Kumatok muna ito bago bahagyang binuksan ang pinto.

"Please come in, ma'am. My boss is waiting inside this room."

"Wait! Do you think he's gonna kill me or he will ask for a ransom money? Is he a kind of mafia boss?" Imbes na sumagot ay pasimple lang itong tumawa pagkatapos ay nagpaalam ng umalis. Nakailang beses akong bumuntong hininga bago ko tuluyang binuksan ang pinto. Humugot ako ng lakas ng loob bago ako humakbang papasok.

Bumungad sa akin ang mga librong nakalagay sa book shelves. Couch at center table na nasa kaliwang side. Table na may laptop sa ibabaw. Swivel chair na nakatalikod sa akin at bulto ng isang tao na hindi ko makita ang mukha. Tahimik sa loob ng kwarto at tanging tunog ng aircon ang maririnig.

"Who are you? What do you want from me? Where's my son?"

Ni hindi ito gumalaw o natinag man lang sa kinauupuan. Nanatili syang nakaupo sa swivel.

"If you're asking for a ransom money then you got a wrong person. We're not rich, and I don't have a large amount of money."

"If you don't have money, what can you offer?" Nanlaki ang mata ko. "Would you surrender yourself to me?"

I know that voice

"A-adam?" Nag aalangan kong tanong.

Tila tumigil ang mundo ko nong marahan itong tumayo sa kinauupuan saka humarap sa akin. Lalong nanlaki ang mata ko nong makumpirma kong sya nga ang taong kausap ko ngayon. Gumapang ang takot sa buo kong katawan.

"Tell me Clarissa, hanggang kailan mo balak itago sa akin ang anak ko?" Madilim ang pagkakatitig nya sa akin.
Nagsimula syang humakbang palapit sa akin. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, para akong namaligno.

"Kung hindi ko pa natuklasan ang tungkol sa kanya wala kang balak sabihin sa akin ang totoo, diba Clarissa?"

"N-nasan si Jacob? Nasan ang anak ko?"

"Anak natin Clarissa!"

"Anak ko lang Adam!"

"Hanggang kailan mo ba ako parurusahan, Clarissa?"

Imbes na magsalita ay lumabas ako ng kwartong iyon saka inisa isa ang bawat kwarto. Ni hindi ako pinigilan ni Adam. Hinayaan nya akong halughugin ko ang buong kabahayan.

"Jacob anak! Anak! Baby ko!" Parang walang ibang tao sa bahay. Maging ang mga katulong at lalaking naka suit na nakita ko kanina ay wala rin.

Naiyak na ako nong halos malibot ko na ang buong kabahayan pero hindi ko nakita si Jacob. Galit akong naglakad pabalik sa kwartong kinaroroonan ni Adam. Naabutan ko syang kampanteng nakaupo ulit sa swivel chair habang nagtitipa sa keyboard.

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon