Sa kahuli hulihang pagkakataon nilibot ko ng tingin ang terminal bago nagdesisyong pumasok sa departures area. Naninikip ang dibdib ko at ang bigat ng aking paa. Tuluyang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigil. Sa katunayan mugto na ang mata ko bago pa ako makarating dito dahil kagabi pa lang ay mabigat na ang aking nararamdaman.
Goodbye mom! Goodbye Adam! Salamat sa mga magandang alaala.
Hanggang makasakay ng eroplano walang tigil ang pagluha ko.
"Okay ka lang ba miss?" Tanong sa akin ng lalaking katabi ko sa eroplano
"Sorry, ayos lang po ako."
Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga. "Mahirap talaga malayo sa pamilya. Malungkot sa una pero malalampasan mo rin yan."
Napangiti ako sa sinabi nya. Tama, malalampasan ko rin ang pagsubok na ito. Makakalimutan ko rin ang lahat.
2 years later
"Clarissa! May dumating na package para sayo!"
Rinig ko sa kwarto ang malakas na boses ni manang Salve mula sa labas.
Anong oras na rin ako nakatulog kaninang madaling araw kaya naman hirap na hirap akong idilat ang mata. Samahan pa ng nakakasilaw na liwanag ng araw. Bumaba ako sa kama saka isinuot ang pambahay na tsinelas. Paglabas ng kwarto ay nakita ko ang di kalakihang box sa ibabaw ng table.
Nakalagay sa package ang pangalan ni dad.
Kakapadala lang ni dad, may package ulit?
Kahit medyo borlogs pa ay kumuha ako ng cutter pagkatapos ay maingat na binuksan ang box. Bumungad sa inaantok kong mata ang ang pair of heels, pastel color na dress at isang sobre na kakulay din ng dress, mukha iyong invitation. Meron din maliit na box na nasa loob. Dinampot ko ang notes na nakalagay sa ibabaw ng sobre.
Clarissa anak, your mom is getting married. She sent me a package, she wants you to attend her wedding.
Tulala akong napatitig sa dress na nasa loob ng box. Ni hindi ako naglakas loob na hawakan iyon. Dalawang taon na ang nakararaan mula ng umalis ako sa Pilipinas pero yong sakit na nararamdaman ng puso ko parang kahapon lang. Ibinalik ko ang notes sa loob at isinara ang box. Hindi ko yata kayang tingnan ang nakasulat sa invitation card. Natatakot ako na kapag nabasa ko ang pangalan ni mommy at Adam biglang magbago ang isip ko at umuwi ako ng Pilipinas para pigilan ang kanilang kasal.
"Clarissa anak, ayos ka lang ba?" Pumasok si manang Salve bitbit ang laundry basket.
"Po?" Bakas sa mukha nito ang pag aalala.
"Bakit ka umiiyak?" Agad kong hinawakan ang pisnge. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"Ah, ayos lang po ako." Kinuha ko ang box at binitbit papasok sa kwarto. Binuksan ko ang cabinet at ipinasok roon ang box. Umupo ako sa kama matapos kong isara ang pinto ng cabinet.
Ikakasal na si mommy at Adam. Ang akala ko pag umalis ako ng Pilipinas madali kong makakalimutan si Adam hindi pala. Ganon siguro talaga ang tadhana namin. Hindi kami nakatadhanang maging mag asawa, nakatadhana syang maging asawa ng mommy ko. Paano ko sya haharapin bilang step dad kung hanggang ngayon mahal ko pa rin sya.
Naputol ang pag iisip ko nong tumunog ang cellphone. Kinuha ko iyon sa side table saka sinipat. Nakarehistro roon ang pangalan ni Odette.
"My ghad! Buti na lang sinagot mo ang tawag ko. Kanina pa kita tinatawagan."
"Kagigising ko lang."
"Friend may nakakashock na balita, alam mo na ba ang tungkol sa mommy mo at kay Adam?"
BINABASA MO ANG
I'm All Yours
RomanceClarissa, a 16-year-old girl, is deeply in love with her mother's best friend's younger brother, Adam. Despite their significant age gap of 9 years, Clarissa remains undeterred by their difference in age. She attempts to seduce Adam, but he consiste...