Bawat madaanan kong paintings ay talaga namang nakakamangha. Nai-imagine ko, what if kung ipinagpatuloy ko ang pagpipinta? What if kung isa sa mga paintings ko ay naidisplay rin sa exhibit? Haisst! hanggang what if na lang ako.
Natigil ang pagmumuni ko nong tumunog ang phone. Kinuha ko ang ito sa loob ng bag saka sinagot.
"Hello manang!" Patuloy pa rin ako sa pagtingin ng mga paintings habang naglalakad lakad.
"Anak, nakita ko na yong kahon na ipinahahanap mo."
"Talaga ho?" Natigilan ako sa paghakbang.
"Mabuti na lang at naitabi ko ito sa storage."
"Manang pakipicturan po ng invitation pagkatapos ay pakisend sa sa'kin."
"Sige iha, i-send ko sayo." matapos non ay ini-end call ko na.
Habang naghihintay sa chat ni manang ay natigilan ako nong makita ang isang paintings na nag paagaw ng aking atensyon. Bukod tangi ang paintings na iyon kumpara sa mga artwork na nakadisplay. Hindi ito kagandahan kagaya ng iba pero natatangi ito sa paningin ko. Di ko namalayan ang pagbaksak ng mainit na likido sa aking mata.
"Paano napunta dito ang paintings?"
Maliliit na hakbang ang ginawa ko palapit sa kinaroroonan ng paintings.
Masuyo kong hinaplos ang bandang ibaba, kung saan may nakasulat na initial. Tandang tanda ko pa ang araw na iginuhit ko to. Pakiramdam ko bumalik ang lahat ng sakit ng nakaraan. Marahan kong pinunasan ang aking mata.Ayoko ng ganitong pakiramdam.
"Clarissa!" wika ng baritonong boses.
Napanganga ako nong lingunin ko ang pinanggalingan ng boses.
"Welcome back, Clarisa!"
Hindi agad ako nakagalaw, para akong nabato sa kinatatayuan. Sunod sunod na bumagsak ang luha ko sa mata. "Justin!" Tulad ko maluha luha rin sya.
"Solum, it's a latin word of lonely." Ang tinutukoy nya ang ang painting na nasa harap ko. Iyon kasi ang tawag sa iginuhit kong obra. Naglakad si Justin palapit sa akin. "Sa tuwing pinagmamasdan ko ang iginuhit mo, nararamdaman ko kung gaano ka kalungkot habang ipinipinta mo ito, Clarissa." Tuluyan ng bumagsak ang luha sa mata ni Justin.
"Paanong- paano mo nalaman na sa akin ito?" Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha ko sa mata.
"CA, yan ang initial letter na inilalagay mo sa lahat ng mga paintings mo."
Ngayon ko lang iyon napansin, marahil na nakaugalian ko na itong gawin sa tuwing gumuguhit ako.
"Clarissa and Adam, tama ba?"
"Paano mo ito nakuha? Sa pagkakatanda ko binili ito sa akin nong nasa Italy pa ako."
"Ahm, actually it was a coincidence. I was on a business trip with my colleague, then suddenly he saw a vendor selling some artworks on the side of the road. I saw your work and I was impressed. To my surprise, I noticed your initials. Akala ko nong una nagkataon lang pero nong icompare ko iyon sa mga paintings na ibinigay mo sa akin doon ko napansin na parehas na parehas. Doon ko nakilala si Mr. Reyes."
"At ikaw si Mr. X? Ikaw ang bumibili ng mga artworks ko?" Tumango sya sa sinabi ko.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Akala ko naman talagang may gustong bumili ng gawa ko." Medyo dismayado kong sagot.
"They want your work Clarissa. Hindi mo ba napapansin, nasa gitna yong gawa mo." Tulad ng sinabi ni Justin, nilibot ko ng tingin ang kinaroroonan ng solum at tama sya.
BINABASA MO ANG
I'm All Yours
RomanceClarissa, a 16-year-old girl, is deeply in love with her mother's best friend's younger brother, Adam. Despite their significant age gap of 9 years, Clarissa remains undeterred by their difference in age. She attempts to seduce Adam, but he consiste...