"May relasyon ba kayo ng mommy ni Clarissa?"
Hindi pa sumisikat ang araw nong lumabas ako sa kwarto para magpahangin. Naabutan ko si Justin sa labas kung saan kami nag inuman kagabi. Hindi ako nakasagot sa tanong nyang iyon.
"Seryoso ako kagabi nong sinabi ko na gusto ko si Clarissa," dugtong nya.
"Anong gusto mong sabihin, Justin?" Nagtitigan kaming dalawa.
"Hindi masama ang magmahal, ang masama ay yong namamangka ka sa dalawang ilog. Cheating is a choice, not a mistake. Loyalty is a responsibility, not a choice. Kailan man hindi magiging tama ang isang pagkakamali."
"Wala kang alam Justin."
"Ano man ang rason mo bakit mo ginagawa iyon, ang mali ay mananatiling mali. Alam ko ang nararamdaman ni Clarissa para sayo. Mahalin man nya ako o hindi poprotektahan ko sya sa paraang alam ko."
Matapos nyang sabihin iyon ay tinalikuran nya ako saka pumasok sa loob. Naiwan akong naguguluhan. Tama si Justin, ang mali ay mananatiling mali. Hindi ko dapat niloloko si Catalina at hindi ko dapat pinagsasamantalahan ang nararamdaman ni Clarissa sa akin.
Maaga akong nagpaalam sa kanila para bumalik ng Cebu, hindi ko na hinintay na magising si Clarissa. Hanggang makabalik ako sa Cebu ay laman ng isip ko ang mga sinabi ni Justin. Tinimbang ko kung sino ba talaga ang mahal ko. Hanggang isang araw tinawagan ako ni Catalina.
"May problema ba tayo Adam? May nagawa ba akong mali? Pakiramdam ko hindi mo na ako mahal."
Hindi ako nakasagot. Narinig ko ang mga hikbi ni Catalina sa kabilang linya. "Kung hindi mo na ako mahal sabihin mo sa akin para hindi ako nagmumukhang tanga na umaasa pa sayo."
Habang naririnig ko ang iyak ni Catalina sa kabilang linya ay naalala ko yong mga araw na umiiyak sya kay ate dahil niloko sya ni Herbert. Nakokonsensya ako.
"I'm sorry Catalina!"
"Why are you saying sorry? Makikipag break ka na ba sa akin?"
"No, hindi kita iiwan. Hinding hindi kita iiwan, pangako."
Ilang minuto na mula nong matapos ang tawag ni Catalina pero hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga ginawa ko.
Si Catalina ang girlfriend ko, sya ang babaeng pakakasalan ko. Sya ang babaeng dapat kong mahalin. Paulit ulit ko iyong itinatatak sa isip ko.
Simula nong araw na tumawag si Catalina ay hindi ko na tinext o tinawagan si Clarissa. Nagpalit na rin ako ng number para hindi na nya ako makontak. Alam ko na masasaktan sya sa ginawa ko, pero ito ang tama. Kung ano man ang nagawa kong kasalanan sa kanya handa kong tanggapin ang parusa. Sa ngayon gusto ko muna syang kalimutan.
Nong bumalik ako sa Manila hindi ko iyon ipinaalam kay Clarissa. Niyaya kong mag bakasyon si Catalina na kaming dalawa lang. Pumunta kami sa Tagaytay at doon ako nagpropose sa kanya. Masayang tinanggap ni Catalina ang proposal ko. Sinabi ko sa kanya na ipaalam nanamin sa lahat ang relasyon namin pero nakiusap sya na padaanin muna ang birthday ni Clarissa. Gusto nyang mag 18 years old si Clarissa bago nya ipaalam sa lahat.
"Hey guys! Wag mong kalimutan na pumunta sa birthday party ko. Gusto kong ipakilala sainyo yong babaeng gusto kong ligawan." Masayang wika ni Julian. Kasulukan kaming nag iinuman.
"Talaga? Nice?" wika ko.
"Syempre hindi namin palalampasin yan. Gusto namin makita yong babaeng nagpatibok sa puso mong pihikan," ani Oliver.
"Ikaw Adam kailan mo ipakikila yong girlfriend mo. Engaged ka na't lahat lahat hindi mo pa rin sya ipinakikilala sa amin," singit ni Tobi.
Muli kong ininom ang laman ng baso saka tumingin sa malayo. "Miss na miss ko na sya " natawa sila sa sinabi ko. "Kung alam nyo lang miss na miss ko na sya."
BINABASA MO ANG
I'm All Yours
RomantizmClarissa, a 16-year-old girl, is deeply in love with her mother's best friend's younger brother, Adam. Despite their significant age gap of 9 years, Clarissa remains undeterred by their difference in age. She attempts to seduce Adam, but he consiste...