"Jacob? Sino si Jacob? Sa pagkakatanda ko Enzo ang pangalan ng asawa nya." Muli kong sinipat ang screen ng kanyang cellphone.
Hindi, hindi ko dapat pakialaman ang cellphone ni Clarissa.
Sinubukan kong iignore ang video call hanggang sa tumigil ito ngunit ilang minuto lang ay muli itong tumawag. Nacurious ako kung sino si Jacob kaya naman dinampot ko ang phone saka ito sinagot.
"Hi mommy!" Masigla nyang bati subalit natigilan sya nong makita nya ako. "Who are you?" Curious nyang tanong sa akin. "Where's my mom?" wika ng batang lalaki.
Mommy? Si Clarissa ba ang tinutukoy nya? Pero hindi nabanggit ni Clarissa na may anak na sya.
"Are you referring to Clarissa? Your mom is Clarissa?" Paninigurado ko.
Hindi ko maipaliwanag pero kakaiba ang nararamdaman ko sa batang ito. Isa pa yong mukha nya, pamilyar sa akin ang mukha nya.
"Yeah! Are you with my mom?"
"She's not here, where's your dad?" Napaisip yong bata sa sinabi ko.
"You look like my dad." Bakas sa mukha nya ang pagkalito sa sinabi ko.
Anong sinasabi ng batang to?
"I mean, your daddy Enzo, where's your daddy Enzo?"
Muli syang natigilan sa tanong ko. Para bang pinag iisipan nyang mabuti ang sinabi ko. "He's not my dad, mommy said that daddy works in a very far place, and you look like him."
Hindi sya anak ni Enzo, kung ganon sino ang ama ng batang ito?"
Kinakabahan ko, hindi kaya? "How old are you Jacob?"
"I'm 5, wait a second, I think I know you." Binitawan nya ang phone saka sya nawala sa screen.
Five years old, kung susumahin ang timeline maaring sya nga ang-
"I knew it, you were my dad!" Bungad nya sa akin pagkabalik nya. Bakas sa boses nya ang excitement. Ngiting ngiti sya sa akin habang ipinapakita nya ang picture namin ni Clarissa nong 18th birthday nito.
Nanlaki ang mata ko habang sapo ko ang aking bibig. Para akong maiiyak. Hindi ako makapaniwala na may anak kami ni Clarissa. Hindi ako pwedeng magkamali anak ko si Jacob. Walang dudang magkamukha kami.
"This is my mom and this is you daddy, right?" Ang tinutukoy nito ay ang litrato namin. "I found this in her cabinet."
"Yeah, I'm your dad."
"I miss you so much! daddy! I wanna see you soon!"
"I miss you too, baby!"
"Hey Jacob! Are you talking to your mom?" Boses iyon ng babae.
"Look yaya, It's my dad. I finally saw my daddy." Kahit hindi ko sya makita sa video ay bakas sa boses nya ang saya
"What?" Matapos non ay naging magulo na ang video na para bang inagaw ito sa kanya, then the video ended.
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin ako makamove on. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Kung hindi ko pa nakausap si Jacob hindi ko malalaman na may anak kaming dalawa.
Hinalungkat ko ang phone ni Clarissa. Makikita sa files ang larawan nilang dalawa. Mula pagka-baby hanggang sa lumaki si Jacob ay naroon lahat ngunit ni isa ay wala silang picture ni Enzo. Mas lalong lumakas ang kutob ko na wala talaga silang relasyon ni Enzo.
Bakit Clarissa? Bakit inilihim mo sa akin ang totoo? Bakit kailangan mong magpanggap sa akin na may asawa ka na?
Kinuha ko ang phone at may tinawagan ako.
BINABASA MO ANG
I'm All Yours
DragosteClarissa, a 16-year-old girl, is deeply in love with her mother's best friend's younger brother, Adam. Despite their significant age gap of 9 years, Clarissa remains undeterred by their difference in age. She attempts to seduce Adam, but he consiste...