Chapter 5

1.1K 11 0
                                    

"Pasok ka!" Alok ko kay Justin ngunit nakatayo lang sya sa may pinto.Nag aalangan siguro sya kung papasok ba o hindi.

"Wag kang matakot hindi ako nangangagat."

"P-pero- kwarto ito ng babae."

"Bakit pag pumasok ka ba sa kwarto ng babae ibig sabihin ba non magses*x kayo agad."

Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko.

Oo nga pala hindi si Adam ang kausap ko. Tong bibig ko walang preno.

"Joke lang." Tumawa sya pero halatang pilit lang. "Ipakikita ko lang sayo yong mga hobbies ko."

"Ha?"

"Diba tinatanong mo ako kanina kung ano madalas kong ginagawa."

"Ah yon ba?" Humakbang sya palapit sa akin.

May inabot ako sa kanyang sketch pad. Kinuha nya iyon, tumingin muna sya sa akin bago nya sinimulang buklatin.

"Wow! Ikaw nagdrawing nito?"

"Hindi lang halata pero mahilig ako sa arts."

Abot tenga ang ngiti ni Justin habang isa isa nyang tiningnan ang mga larawan. Buti pa si Justin masaya kahit simpleng talent ko lang ang pinakita ko sa kanya samantalang si Adam pati kaluluwa ko nakita na nya yata pero galit pa rin sya.

"Ito nga pala yong paintings ko nong sumali ako sa contest." Ang tinutukoy ko ay ang paintings na nakasabit sa wall. Pina frame ko talaga ito at iniregalo kay ninang.

"Wow! Ang galing mo naman!"

"Yon nga lang pang 3rd place lang ako."

"Seriously? Sa ganda ng paintings mo may mas maganda pa dito?"

Mas matangkad si Justin sa akin kaya kinakailangan ko pang tumingala para tingnan sya. Medyo magkalapit ang pwesto namin kaya nahihirapan akong kausapin sya.

"Gusto mo ba ng paintings?"

"Bibigyan mo ako?"

"Oo naman, halika dito hinawakan ko ang kamay nya at hinatak sya papunta sa maliit na silid na nasa sulok ng kwarto ko. Bago pa kami makapasok sa loob may humatak sa braso ko kaya nabitawan ko ang kamay ni Justin.

Parehas kaming napatingin sa nakasimangot na mukha ni Adam.

"Anong ginagawa mo?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya..

"Kilala kita Clarissa, pwede ba bigyan mo naman ng kahihiyan ang ate ko."

"Ha? Anong sinasabi mo?"

"Anong gagawin nyo sa loob?"

Ngayon ko lang naunawaan ang gusto nyang sabihin. Kunwari pa to si Adam green minded din naman pala. Anong akala nya sa akin makakita lang ng lalaki t*t* na agad ang habol. Sa kanya lang ako manyak hindi sa lahat.

Ngumisi ako sa kanya. "Bakit gusto mo sumama?" Sabay ngisi.

"Clarissa!" Lalo itong sumimangot.

"Adam, wala kaming gagawing masama, gusto lang ipakita ni Clarissa sa akin yong mga paintings nya."

"May tiwala ako sayo Justin pero kanya-."

"Di wag kang maniwala." Tinulak ko sya palabas ng kwarto, sinara ang pinto at nilock iyon."

Mamatay ka kakaisip kung anong gagawin namin sa loob.

Pagpasok sa maliit na kwarto na pa wow si Justin nong makita nya collection ko ng mga paintings.

"Ikaw lang talaga gumawa nito?"

"Yup!"

"Kailan ka nagstart mag painting?"

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon