"Adam ano-" hinawakan nya ako sa bewang saka sinandal sa pinto. Idinikit ni Adam ang noo nya sa noo ko.
"San ka galing Clarissa?"
"Lumayo ka nga Adam!" Sinubukan ko syang itulak palayo pero mas lalo nyang idiniin ang katawan nya sa akin.
"Bakit kayo magkasama ng Russo na yon?"
"Boss ko yon natural na magkasama kami. "
"Pero nandito ka na sa akin. Walang rason para sabay kayong kumain ng tanghalian."
"Ano bang problema mo? Bakit hindi yong sarili mo ang-" naputol ang iba kong sasabihin ng halikan ni Adam ang labi ko.
Sandali lang ang halik na iyon pero libo libong kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan. "Nagseselos ako Clarissa." Natulala ako sa sinabi nya.
"Sir Adam!" Boses iyon ni Mr. Laurel kasunod ang pagkatok nya ng pinto.
Lilingon sana ako ngunit hinawakan ni Adam ang batok ko at muling siniil ng halik. This time mas matagal at mas mapusok.
"Sir Adam!" Katok no Mr. Laurel mula sa labas.
Narinig ko ang mahinang pag-click na parang may nilock. Marahil ay nilock ni Adam ang pinto.
Hindi pa rin pinapakawalan ni Adam ang aking lani. Muling hinawakan ni Adam ang aking bewang saka ako hinapit palapit sa kanya. Mas naging mapusok ang galaw ng kanyang labi, nakakadala at nakakabaliw. Napakapit ako sa kanyang dibdib upang kumuha ng suporta. Nagsimulang gumalaw ang labi ko para gantihan ang kanyang halik. Tila naging hudyat naman ito kay Adam. Nagsimulang gumapang ang kanyang kamay papunta sa aking balakang. Idiniin ni Adam ang kanyang sarili kaya naramdaman ko ang nagagalit nyang alaga na tumatama sa aking puson. Tuluyan na akong nag init ngunit bago pa ako tuluyang makalimot ay ubod lakas ko syang itinulak palayo.
Nakakunot noo nya akong tiningnan. Nagtataka sya kung bakit ko sya itinulak palayo.
Nakailang beses akong lumunok ng laway bago muling nagsalita. "Wag mong kalimutan Adam na may asawa na ako!"
Pagkasabi ko non ay binuksan ko ang pinto. Nagulat pa si Mr. Laurel nong makita nya ako palabas ng opisina ni Adam. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad. Malalaki ang mga hakbang ko pabalik sa aking opisina.
Nanlalambot akong umupo sa swivel chair. Hanggang ngayon nangangatog pa rin ang aking tuhod. Hinawakan ko ang labing kanina lang ay sinakop ng labi nya. Hindi ko maitatanggi mahal ko pa rin si Adam.
Jusko, ilayo nyo po ako sa tukso, ayoko ng maulit ang nakaraan.
Buong maghapon ay iniwasan ko si Adam. Nahihiya ako sa ginawa kong pagresponse sa halik nya. Kinabukasan, pasakay na sana ako ng elavator nong makita ko syang paparating. Nataranta akong nagtago sa likod ng lalaki. Nagtataka naman yong lalaki bakit ako nasa likod nya gayong ang lawak ng hallway. Imbes na sumakay sa elevator kasama si Adam ay nagpaiwan ako. Hanggat maari ayokong magtagpo ang landas namin. Kagaya ngayon, Magpophoto copy sana ako ng document pero nong makita ko na palabas sya ng kanyang opisina ay nagmadali akong umalis. Dahil sa pagmamadali ko, bumangga ako sa matigas na bagay. Muntik na akong bumagsak mabuti na lang ay may sumalo sa akin. Nakahawak sya sa aking bewang at balikat.
"Ayos ka lang ba Clarissa?" Bakas sa tono nya ang pag aalala.
My ghad! Napakatigas naman ng dibdib ni Gavin, ang sakit ng noo ko. Inalalayan ako ni Gavin na tumayo.
"Ayos lang ako, sorry nagmamadali kasi ako."
Paglingon ko sa direksyon ng opisina ni Adam ay nakita ko syang nakatayo roon. Seryoso ang pagkakatitig nya sa akin. Nakasuksok ang isang kamay nya sa loob ng kanyang bulsa.

BINABASA MO ANG
I'm All Yours
RomanceClarissa, a 16-year-old girl, is deeply in love with her mother's best friend's younger brother, Adam. Despite their significant age gap of 9 years, Clarissa remains undeterred by their difference in age. She attempts to seduce Adam, but he consiste...