"Hello baby! Yes, I'm here, I will buy you your favorite cake."
Natigilan ako sa paglalakad nong may lalaking nakatayo sa harap ko. Bahagya akong tumabi para makaraan sya subalit hindi ito gumalaw sa kinatatayuan. Nong iangat ko ang tingin muntik ko ng mabitawan ang phone. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nong makilala ko ang lalaking nasa harap.
"A-adam?"
Nanlalaki ang mata nya na parang nakakita ng multo.
"C-clarissa?"Nabitawan nya ang bitbit na box ng cupcake.
Humakbang ako paatras ngunit bago pa ako makalayo ay agad nitong hinawakan ang kaliwa kong kamay. Natigilan sya habang titig na titig sa aking daliri. Doon ko lang napansin na nakatingin pala sya sa suot kong singsing.
Tumitig sya sa akin, nakakunot ang kanyang noo. Bakas sa mukha nya ang maraming mga katangungan. Sinamantala ko ang pagkakatulala ni Adam. Binawi ko ang kamay ko at saka mabilis na tumakbo palabas ng shop
"Clarissa!"
Narinig ko pa ang pagtawag nya sa pangalan ko pero hindi ko sya nilingon. Walang lingon-likod akong tumakbo palayo. Halos kapusin ako ng hininga nong tuluyan akong makalayo sa kanya. Ang bilis ng tibok ng puso ko parang may libo libong daga ang naghahabulan sa loob ng aking dibdib.
Bakit nandito si Adam? Anong ginagawa nya dito sa Barcelona?
Sa takot na baka nasa store pa si Adam, nagdesisyon ako na magpalipas muna ng oras sa isang coffee shop. Kailangan ko kasing balikan ang sasakyan ko doon. Makalipas ang ilang minutong pag hihintay saka ako nagdecide na bumalik pero hindi na ako bumili ng cake.
"Ayos ka lang ba Clarissa bakit namumutla ka?"
"Ayos lang ako manang, pagod lang siguro ako. Si Jacob po?"
"Nasa kwarto natutulog. Gusto mo bang Hainan kita ng pagkain?"
"Hindi na po manang, kumain na rin po ako sa labas. Magpapahinga na lang po ako sa kwarto." Tinungo ko ang kwarto namin ni Jacob.
Kinabukasan maaga akong bumiyahe papunta sa opisina ni Mr. Reyes. Meron daw syang importanteng sasabihin sa akin.
"Po? Sa Pilipinas?"
"Yes, they want to include your artwork in the exibit," bakas sa mukha ni Mr. Reyes ang saya.
Si Mr. Reyes ang tumulong sa akin makarating sa Barcelona. Isa syang professor sa isang sikat na Unibersidad sa Madrid. Nong minsang nagbakasyon sya sa Italy nakita nya akong nagpipinta sa parke, nilapitan nya ako at inalok kung gusto ko daw bang maging studyante nya.
Hindi naging madali sa akin ang unang taon sa Barcelona. Pumasok ako sa iba't ibang klaseng trabaho para suportahan ang sarili ko, at dahil hindi ako sanay sa mga gawaing mabibigat nahirapan akong mag adjust. Mula ng umalis ako sa pangangalaga ni dad wala na akong kinuhang sustento sa kanya.
"Pero hindi po ako pwedeng umalis ng Barcelona. Marami po akong trabahong maiiwan dito."
"Pag isipan mong mabuti Clarissa. Once in a lifetime opportunity mo na ito Clarissa. Isa pa maraming kilalang tao ang aattend sa exibit na yon. And that exibit is held by famous curator. Balita ko may kilalang kompanya ang nag sponsor ng exibit na iyon and they want your artwork to be part of that exibit."
Natigilan ako at napaisip ng malalim. Tama si Mr. Reyes malaking oportunidad ito para sa akin. Hindi ko dapat ito palampasin pero-. . . .hindi ko alam kung handa na ba akong bumalik sa Pilipinas. Anim na taon, anim taon akong walang komunikasyon kay mommy. Natatakot ako na baka magtagpo ang landas naming dalawa.
"Pag isipan mong mabuti Clarissa. Matagal mo ng hinintay ang pagkakataon na ito."
Lumabas ako sa opisina ni Mr. Reyes na bagsak ang balikat. Imbes na maging magandang balita ito para sa akin para akong nalugi. Anong dapat kong gawin? Ito na ba ang tamang panahon para harapin ko ang nakaraan.
BINABASA MO ANG
I'm All Yours
RomanceClarissa, a 16-year-old girl, is deeply in love with her mother's best friend's younger brother, Adam. Despite their significant age gap of 9 years, Clarissa remains undeterred by their difference in age. She attempts to seduce Adam, but he consiste...