Chapter 12

1K 9 0
                                        

"May tao ba sa banyo?" Muling katok ni mommy.

Natatarantang isinuot ni Adam ang brief at short nya. Sinenyasan nya ako na wag maingay.

"Yes mommy."

"Clarissa? Akala ko walang tao, kanina pa kasi ako ng iintay walang nalabas. Ok ka lang ba dyan anak?"

"Opo mommy, masama lang ang timpla ng tyan ko, nag LBM yata ako."

Nakatingin lang sa akin si Adam.

"Ano ba ang nakain mo?"

"Hindi ko po alam. May gamot po ba tayong dala mommy?"

"Naku, wala yata anak."

"Ang sakit po talaga ng tyan ko." Umarte ako na masakit ang tyan. "Mommy patanong naman po si ninang o kaya si Adam kung may gamot sa lbm." Pinandilatan ako ng mata ni Adam.

"Sige tanungin ko sila, pero ang kuya Adam mo kanina ko pa hindi nakikita."

"Baka nandyan lang yon sa tabing dagat nagpapacute sa mga chikaz."

Ikinakunot ng noo ni Adam ang sinabi ko. Nagpipigil naman ako sa pagtawa.

"Sige anak tanungin ko sila ninang mo kung may gamot sila."

"Thanks mom!"

Idinikit ko sa pinto ang tenga ko para pakinggan kung wala ng tao sa labas. Isinuot ko ang bra at t shirt pero wala akong panty, ang pagkakaalam ko naiwan ko iyon sa kitchen at kailangan ko iyong makuha bago pa makita ng iba.

Binuksan ko ang pinto saka sumilip. Nong masigurado kong walang tao dahan dahan akong naglakad papuntang kusina at hinanap ang panty.

San ko kaya yon naihagis?

After ng ilang minutes na paghahanap nakita ko iyon malapit sa basurahan sa bandang ref. Kinuha ko iyon at akmang isusuot.

"Clarissa! Anong ginagawa mo dyan?"

"Ay k*ki!" Muntik ko ng maihagis ulit yong panty.

Nakatayo si Justin sa bandang pinto mabuti na lang may counter top kaya hindi nya kita kung ano ang ginagawa ko. Nilamukos ko ang panty sa kamay ko at itinago sa likod.

"Ah! Wala may hinahanap lang ako. Hehehe!"

Naglakad sya palapit sa akin.

Oopps! Baka mahalata nya na wala akong suot na panty. Basa pa naman ang tshirt at dikit sa aking balat. Mabuti na lang above  the knee ang haba ng tshirt ni Adam dahil matangkad sya.

"Ano ba ang hinahanap mo? tulungan na kita?" Tuluyan na syang nakalapit sa akin.

Ang totoo wala naman talaga akong hinahanap. Nag squat sya at nagsimulang maghanap kahit hindi naman nya talaga alam kung ano ang hahanapin.

"Ahm, ano, yong, yong hikaw ko, oo nahulog kasi yong hikaw ko."

"San mo ba banda nahulog?"

"Doon banda."

Itinuro ko sa sulok kung saan opposite direksyon ng banyo. Paano ko ba maagaw ang atensyon ni Justin para di nya mapansin si Adam.

"Sigurado ka ba na dito mo naihulog?"

Kailangan makalabas na si Adam sa banyo dahil anumang oras babalik si mommy.

"Aray! Aray!" Umangat ang tingin ni Justin para tingnan ako pero napahinto ang tingin nya sa aking hita. Dalawang beses syang napalunok ng laway

"Pinupulikat yata ako!"

"Ha?"

G*go! Nahalata kaya nya na wala akong suot na panty?

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon