Kailan nga ba nagsimula ang lahat? Kailan ko nga ba sya minahal? Mula pagkabata namulat ako na kasama si Adam. Sya yong taong naging sandalan at sumbungan ko sa tuwing kailangan ko ng kakampi.
"Uwaaahhh!" Malakas kong hagulgol matapos akong awayin ni Odette. Inagaw nya sa akin ang barbie doll na niregalo sa akin ni mommy. Dalawang taon ang tanda ni Odette sa akin kaya naman natatakot ako sa kanya sa tuwing inaaway nya ako.
"Isusumbong kita kay mommy, aaway mo nanaman ako!"
"Edi magsumbong ka! beltukan kita dyan eh!"
"Uwwaaahhh!"
"Nag aaway nanaman ba kayong dalawa?" Parehas kaming napatingin ni Odette kay Adam na kakapasok lang ng gate.
"Kuya Adam!" Tumakbo ako palapit kay Adam at niyakap ko sya sa binti. Sa edad na 15 ay matangkad na sya kumpara sa mga kaedaran nya. "Aaway ako ni Odette."
"Diba sinabi ko na sainyo na wag kayong mag aaway," Malumanay nyang wika.
"Paano ayaw nya akong pahiramin ng barbie. Ang damot damot akala mo naman mamahalin yong barbie nya, fyi kaya kong magpabili nyan sa daddy ko pagbaba nya ng barko!"
"Eh bakit di ka pabili sa papa mo!"
"Eh hindi pa nga sya bumababa ng barko, b*ba!"
"Shhh! Odette that's a bad word. Hindi dapat kayo nag aaway ni Clarissa diba best friend kayo?"
"Hindi ko na sya bff, ayaw ko na sa kanya." Sabay singhot ko ng sipon.
Si Odette ang kapit bahay nila Adam. Nakatira sya sa katabing apartment nila at madalas ko syang kalaro sa tuwing kila ninang ako tumutuloy.
"Mas lalo na ako ayoko sa iyaking bata!"
"Uwaaahhh! Iyakin daw ako kuya Adam, diba hindi naman?" Inirapan lang ako ni Odette habang nakahalukipkip ang dalawang kamay.
"Ok ganito na lang, Clarissa pahihiramin mo ng barbie si Odette at ikaw naman Odette pahiramin mo si Clarissa ng cooking set mo, ok ba yon?"
Nagkatinginan kami ng masama ni Odette. Gusto kong tumanggi pero ayoko magalit sa akin si kuya Adam kaya nag agree ako sa sinabi nya.
"Wow! Ang cute naman ng mga batang to." Hinawakan nong magandang babae yong pisnge naming dalawa ni Odette.
Doon ko lang napansin na may kasamang babae ni Adam.
"Ito si Clarissa, sya yong batang madalas kong ikuwento sayo. Anak sya ng bestfriend ni ate, inanak din sya ng ate ko. Yong isa naman si Odette dyan yan nakatira sa katabing apartment."
"Hi mga kids, ako nga pala si ate Samantha!"
"Bakit ka po kasama ni kuya Adam? Jowa ka ba nya?" Maintrigang tanong ni Odette.
"Yup, ako ang girlfriend ng kuya nyo." Pakilala nya sa amin.
Sa murang isip di ko mapigilang mapahanga at tumitig sa girlfriend ni Adam, ang ganda nya. Mahaba ang kanyang buhok, itim na itim ito at super shiny.
"Bakit ka nya girlfriend?" Walang kamuwang muwang kong tanong dahilan para tumawa sya.
"Kasi mahal namin ang isat isa." Tumingin sya kay Adam na kasalukuyang nakatayo sa likod nya. Ngumiti sya kay Adam ganon din si Adam sa kanya.
"Pero mahal ko din si kuya Adam tapos mahal nya din ako." Natawa silang dalawa sa sinabi ko.
"Boba! Sila malaki na pwede na mag asawa ikaw kailangan mo pa mag aral." Mataray na sabi ni Odette. "Di ka pa nga marunong magbasa."
"Marunong kaya ako abc saka 123."
"Iba ang tinutukoy kong pagmamahal Clarissa, at dahil bata ka pa hindi mo pa maiintindihan ang sinasabi ko. Balang araw kapag nasa tamang edad ka na makikilala mo rin yong tamang tao para sayo."
BINABASA MO ANG
I'm All Yours
RomanceClarissa, a 16-year-old girl, is deeply in love with her mother's best friend's younger brother, Adam. Despite their significant age gap of 9 years, Clarissa remains undeterred by their difference in age. She attempts to seduce Adam, but he consiste...