Epilogue

895 14 0
                                        

"Umalis kayong mag ina dyan!" Nanlilisik ang mata nong lalaki. Sa pagkakaalam ko ay nakatatandang kapatid ito ni mommy.

"Kuya, pakiusap tama na!" Pagmamakaawa ni mommy habang walang tigil sya sa pag iyak.

"Aalis kayo dyan o pasasabugin ko ang bungo ng lalaking yan?" Nanlaki ang mata ko nong bumunot ito ng baril."

Gumapang ang takot sa buo kong katawan. Paano kung gawin nga nya iyon kay Adam? Kahit nangangatog ako sa takot ay yumakap ako kay Adam upang iharang ang katawan ko.

"Clarissa, anong ginagawa mo?" Bakas sa mukha nya ang pag aalala.

Walang tigil sa pag bagsak ang luha ko. "Hindi ako papayag na saktan ka nila, Adam."

"Makinig ka sa akin Clarissa." Bahagya nya akong inilayo. Tumitig sya sa mukha ko pagkatapos ay pinunasan ang luha ko. "Ayos lang ako."

"Hindi Adam, hindi na tama yong ginagawa nila sayo. Bakit ka pumapayag na saktan ka nila?"

"G-ginagawa ko ito Clarissa dahil mahal kita." Bakas sa mata ni Adam na naiiyak sya subalit pinipigilan nya lang. Sige na Clarissa, tumayo ka at puntahan mo si Catalina. Pumasok na kayo sa loob, s-sigurado ako na nag aalala na si Jacob." Hinawakan nya ang pisnge ko saka pinisil.

"Bakit ka nagsasalita ng ganyan? Hindi ako aalis dito, hindi kita iiwan." Ngumiti si Adam, pero alam ko na pinilit nya lang na ngumiti.

Kumirot ang puso ko nong pagmasdan ko ang kalagayan ni Adam, bugbog sarado sya. May dugo at maga ang ilang parte ng mukha nya, idagdag pa yong sugat nya na sa tingin ko ay muling bumuka.

"Tumigil na nga kayo sa kadramahan nyo! Lalo lang akong naaalibadbaran

"Uncle, ano po bang kasalan ng pamilya ko sa inyo, bakit nyo po kami tinatrato ng ganito?"

"Clarissa tama na, kuya pakiusap, walang kasalan dito ang anak ko. Sa akin nyo ibunton lahat ng galit."

"Tumigil kayong dalawa!" Malakas na sigaw ni Uncle. "Anong pumasok sa kokote mo Catalina? Gusto mong ipakasal yong anak mo sa lalaking nanloko sayo? Nasisiraan ka na ba ng ulo?"

"Mabait na tao si Adam, mahal na mahal nya si Clarissa."

"Nabulag ka na ba ng pag ibig kaya hindi na gumagana yang utak mo! Baka nakakalimutan mo, ang lalaking yan, pagkatapos kang pagsawaan, yong anak mo naman ang binibiktima." Mapaklang tawa ang pinakawalan ni uncle. "Ang bata pa ni Clarissa para buntisin nya, at ginawa nya yon habang kayo pa!"

"Nagkakamali kayo ng iniisip! Walang nagyari sa amin ni Adam. Ni isang beses hindi nya yon ginawa." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mommy. Hindi ko akalain na sa tagal ng relasyon nila ni mommy ay never silang nags*x. "Noong mga panahon na magkarelasyon kami ni Adam, nirespeto nya ako at ginalang. Ni minsan hindi nya pinagsamantalahan ang nakaraan ko dahil lang may anak ako. Sa kabila ng pagtanggi ko sa kanya dahil sa nauna kong relasyon hindi sya nawala. Itinuring nya akong pamilya. Ipinaramdam nya sa akin na importante din ako at dapat mahalin. Alam ko noon na yong pagmamahal na pinakikita nya sa akin ay hindi pagmamahal bilang babae kundi bilang isang pamilya. Aware ako na nakikisimpatya sya sa akin dahil sa mga masasakit na nangyari sa buhay ko, pero sa kabila ng lahat mas pinili ko ang magbulagbulagan. Dahil masaya ako sa pagmamahal na ipinararamdam nya sa akin. Bilang isang ina, alam ko at nararamdaman ko kung gaano kaimportante si Clarissa kay Adam. Kaya pakiusap bigyan nyo sya ng pagkakataon para ipakita nya ang sinseridad.

"Catalina- . . . Ang nagawa ko sayo noon, wala yong kapatawaran. Habang buhay ko iyong pinagsisisihan. Handa kong tanggapin ang parusa mo at hindi ako umaasa na patatawarin mo ako. Napakabait mong tao, hindi mo deserve ang ginawa ko. Walang araw na hindi ko pinagsisihan ang lahat ng mga sakit na idinulot ko sayo. Kung ang kapalit ng pagmamahal ko kay Clarissa ay ang buhay ko, handa ko iyong tanggapin, pakiusap ko lang wag nyo silang sasaktan."

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon