"Hay naku Clarissa, bago ka pumasok sa isang relasyon siguraduhin mo munang nakamove on ka na. Hindi mo pwedeng takpan lang ang sugat na hindi ginagamot, hindi yon gagaling. Wag mong gawing rebound si Julian," mahabang litanya ni Odette mula sa kabilang linya.
Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng makaalis sya ng Pilipinas. Dalawang buwan na rin mula ng magdesisyon akong makipagdate kay Julian.
"Hindi ko naman sya ginagawang rebound. Gusto ko lang buksan ang puso ko sa kanya. Malay mo sa ganitong paraan tuluyan ko ng makalimutan ko si Adam. Isa pa mabait si Julian, hindi sya mahirap mahalin."
Matapos ang 18 birthday ko, one day lang nagstay ng Pilipinas si Odette. Di kami masyadong nakapagbonding unlike ni dad na kahit papaano ay nagstay sya ng one week kasama ang family nya. Kahit papaano nagkaroon kami ng time makapag bonding at pansamantala kong nakalimutan si Adam.
"Hindi ko alam kung maawa ba ako o maiinis sayo Clarissa."
"Suportahan mo na lang ako friend kasi walang ibang makakaintindi sa akin kundi ikaw lang." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya.
May narinig akong humintong sasakyan sa harap ng bahay.
"Mukhang nandyan na si Julian. Bye na muna tawagan na lang kita mamaya."
"Good luck sa date mo, nawa'y makalimutan mo na nga ng tuluyan yang si Adam." Matapos nyang sabihin iyon ay pinatay na nya ang call.
Muli kong sinipat ang sarili sa harap ng salamin. Napansin ko na wala akong suot na jewelry. Kinuha ko sa drawer ang jewelry box kung saan nakalagay ang lahat ng mga alahas na meron ako. Pagbukas ko ng box nakita ko roon yong regalo sa akin ni Adam. Hindi ko pa iyon nabubuksan mula nong ibinigay nya iyon sa akin nong debut party. Ayaw ko man alalahanin pero kusa iyong bumalik sa alaala ko ang araw na yon.
"Herbert gusto mo bang ipahatid ko na kayo ng family mo sa hotel?" Suggest ni mommy kay dad.
"No it's ok Catalina, parating na rin yong sasakyan ng hotel, salamat na rin."
"Ganon ba, anyway thank you Herbert and Lilybeth at nag effort kayong makarating sa debut ni Clarissa."
"You don't have to say thank you, Catalina, parang anak ko na rin yang si Clarissa." Hinawakan ng asawa ni dad ang kamay ni mom, ngumiti naman sa kanya si mommy. "Happy birthday dear," bati sa akin ni tita Lilybeth pagkatapos ay niyakap ako.
Binati at niyakap din ako ng step brother and sister ko pati na rin si dad. Matapos non ay nagpaalam na sila sa akin.
Sunod na umalis ay sila kuya Chard ninang at Justin. Pagkaalis nila ninang sumakay na rin sa sasakyan si Adam ngunit hindi pa nya tuluyang pinaandar ang makina. Tinawag ako ni Adam at sinenyasan na lumapit sa kanya, tumingin muna ako kay Odette bago ako lumapit.
"Happy birthday Clarissa!" May inabot sya sa aking maliit na box. "Buksan mo yan kapag nasa bahay ka na."
Bago pinasibad ang sasakyan ay ginulo nito ang buhok ko.
Tuluyang nawala sa paningin ko ang sasakyan ni Adam pero nanatili pa rin akong nakatayo doon.
Mula nong araw na iyon hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para buksan ang regalo nya. Natatakot ako na baka hindi ko sya magawang kalimutan. Muli kong ibinalik sa jewelry box ang regalo nya. Kumuha ako ng isang set ng hikaw, necklace and bracelet saka nagdecide na bumaba. Baka naiinip na sa akin si Julian.
Naabutan ko sya na matyagang naiintay sa labas ng kanyang sasakyan. Ngumiti sya sa akin nong makita nya ako. Lumapit sya sa akin at sinalubong ako.
"You're so pretty!" Ginawaran nya ako ng halik sa pisnge.
BINABASA MO ANG
I'm All Yours
RomanceClarissa, a 16-year-old girl, is deeply in love with her mother's best friend's younger brother, Adam. Despite their significant age gap of 9 years, Clarissa remains undeterred by their difference in age. She attempts to seduce Adam, but he consiste...