Chapter 23

1K 17 7
                                        

It was Adam.

"Babe! Wanna grab some beer?" Sumungaw sa pinto si Julian na may hawak na can beer.

"Ahm!"

"I love you Clarissa!" wika ni Adam mula sa kabilang linya. Bumilis ang tibok ng puso ko, para akong kakapusin ng hininga. "I'm sorry, I know I called suddenly, but I want you to know that no matter what I do to forget you, I can't do it. I tried to forget you, but in the end I still miss you. I tried Clarissa, but I can't get you out of my mind, I still love you!"

"Babe may problema ba?" Muli kong ibinalik ang atensyon kay Julian "S-sino ang tumawag?" Bakas sa mukha nya ang pag aalala.

Para akong maiiyak pero pinigilan kong ipakita iyon kay Julian.

"I'm sorry, wrong number yata ang natawagan mo!" Bago pa muling makapagsalita si Adam ay agad ko nang ini-end ang call."

"Ok ka lang ba Clarissa?" Lumapit sa akin si Julian at hinawakan ako sa pisnge

Pinilit kong ngumiti kahit ang totoo ang kinakabahan pa rin ako. Hanggang ngayon ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.

"Ayos lang ako, sira*lo lang yong tumawag, mukhang nantitrip lang." Inilapag ko sa side table ang phone, hinawakan ko ang kamay nya saka hinatak palabas ng kwarto.

Ano yon? Bakit ganoon yong sinasabi ni Adam? Mahal nya ako? Lasing ba sya? Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan hindi na pwede saka ko pa maririnig yong mga salitang matagal ko ng gustong marinig sa kanya.

Panay kwento ni Julian tungkol sa na-experience namin kanina habang ako, ito paulit ulit kong naririnig sa utak ang sinabi ni Adam.

I love you Clarissa!

I love you Clarissa!

I love you Clarissa!

I love you Clarissa!

I love you Clarissa!

I love you Clarissa!

Tila naninikip ang dibdib ko.

"Clarissa ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Bakas sa mukha ni Julian ang pag aalala.

"Ayos lang ako." Pinilit kong ngumiti.

Sinubukan kong kalimutan si Adam at ibaling ang atensyon kay Julian. Nakapagdesisyon na ako, para sa ikabubuti naming lahat kailangan ko ng kalimutan si Adam.

"Babe!"

"Ha?"

"Ayos ka lang ba? Kanina pa ako nagsasalita pero yong isip mo parang nasa malayo."

"I'm sorry napagod lang siguro ako. Ano nga yong sinasabi mo kanina?"

"Si mommy nagchat kinakamusta ka."

"Nasa China pa rin ba sila?" Ang tinutukoy ko ay ang family nya.

"Oo baka next month na sila bumalik. Sya nga pala yong laptop saka yong camera saan nakalagay. Balak ko sana itransfer yong mga picture natin para maiupload."

"Nasa kwarto ko, teka kunin ko lang." Tumayo ako para sana kunin iyon pero pinigilan ako ni Julian."

"Ako na ang kukuha, maupo ka lang dyan at magpahinga, alam kong napagod ka kakalakad kanina."

"Ano ka ba ang lapit lang ng kwarto," natatawa kong sambit.

"Ako na! Maupo ka lang dyan." Kumindat sya sa akin bago ako tinalikuran para pumunta sa kwarto.

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Julian, kaya naman nagdecide na ako na puntahan sya. Pagtayo ko sa couch sakto namang nagbukas ang pinto ng kwarto at lumabas roon si Julian na walang dalang laptop at camera. Seryoso ang mukha nya at titig na titig sa akin. Malalaking hakbang ang ginawa nya palapit sa akin.

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon