|| third installment of "habit series" ||
Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother was very against her dream of pursuing arts. While she's being forced to take a course she never wa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Sabi nila, masasabi mo raw na in love ka na kapag lagi mo nang nakikita yung tao."
Napakunot-noo ako sa kakornihang lumalabas sa bibig nitong si Frieda. Napapailing na lang ako habang itinutuloy ang pagdu-doodle sa sketch pad ko.
"Talaga???" manghang tanong ng bagong kaklase ko na si Mona. "Gano'n ba 'yon?!"
Tumawa si Frieda. "Oo, gano'n!"
"Teka, paano mo palaging makikita yung tao kung, halimbawa, magkalayo kayo?"
Mahinang nagbuntonghininga si Frieda. "Ibig kong sabihin, kahit saan ka tumingin, pakiramdam mo, nakikita mo siya. Yung parang kahit saan, nakikita mo yung mukha niya, kahit yung totoo, wala naman talaga siya. Hanggang sa pagpikit mo, siya at siya pa rin ang nakikita mo."
"Ohh . . ."
Cute talaga nitong transferee na 'to!
"Halimbawa, ipinikit mo ang mga mata mo kasi matutulog ka na. Pero bigla mong nakita yung mukha niya tapos napangiti ka. One sign na raw 'yon na in love ka na!"
"Ha?!"
Napalingon ako sa malakas na reaksiyon ni Mona. Mapula na ang mataba niyang pisngi ngayon at malikot na ang mga mata. Gusto kong tumawa dahil halata ko naman sa kan'ya na sa loob lang ng isang buwan na pananatili niya sa SLC, alam kong crush niya si Caleb!
Malas niya lang dahil kahit si Ate Solari, sinasabi sa akin na walang pakialam sa kahit na ano o sino 'yan. Medyo malabong maging ka-close niya 'yon, sa true lang!
"H-Hindi naman siguro!"
Hindi ko na napigilan pa ang pagtawa ko pero patuloy pa rin ako sa pag-doodle habang nakikinig sa kanila.
"Oo, gano'n 'yon! P'wede rin naman na crush mo pero, basta! Isa kasi 'yon sa signs, 'wag ka na ngang kumontra! Napanood ko 'to, 'no!" bulyaw ni Frieda sa kan'ya.
"Saan?"
"Tsk! Basta!"
Hays, tagal naman nila ituloy chikahan nila. Naiinip na ako.
"So, ano nang next sign?" tanong ko habang nakatuon ang atensyon sa ginagawa.
Tumawa si Frieda. "Shuta ka, nakikinig ka pala! Chismosa ka ring tunay, eh!"
Tinawanan ko sila bago ako lumingon. "Anong gagawin ko? Naiinip ako! Walang klase pero ayaw naman magpalabas ng gwardya! Gusto ko sanang magkape sa labas."
Humagalpak ng tawa si Frieda. "'Tang ina, mamamatay ka na lang, kape pa rin hinahanap mo!"
Hindi na ako sumagot pa kundi tinawanan na lang siya. Nakitawa na lang din si Mona sa bangayan naming dalawa. Ilang sandali pa, tumikhim si Frieda bago itinuloy ang kinukwento.