On our second anniversary, we couldn't celebrate on the exact day because we both have classes. We resorted to celebrating it on weekends by going home in Tarlac—just like what Frieda told me.
I wanted to try my luck here. Baka sakali bumalik lahat ng pagmamahal na nawala sa akin.
Ako ang nagsabi kay Fierro na gawin namin 'yon. Hindi naman siya umangal dahil gusto niya rin umuwi at miss na niya ang orphanage. Simula kasi nang mapunta na ako ng Manila, hindi na rin siya umuwi ng Tarlac kahit isang beses pero nakikipag-usap naman siya sa mga volunteer ng orphanage at nagpapadala ng kaunting tulong sa tuwing may sumosobra sa monthly allowance niya.
"Wala ka namang paperworks na due this weekend, 'di ba?" tanong ko habang nasa sasakyan kami papunta ng orphanage.
Umiling siya bago hinawakan ang kamay ko saka pinagsalikop ang mga daliri namin. "Wala po." He kissed the back of my palm before smiling at me. "Tinapos ko na lahat kahapon."
Ngumiti ako bago isinandal ang ulo sa balikat niya. "I'm sure, miss ka na ng mga bata."
He kissed my temple. "Miss ka na rin nila."
I chuckled in response.
Nang makarating kami ng orphanage, nakita namin na nakaayos ang mga bata. Since nasabihan namin ahead of time ang mga volunteer, nakapag-prepare sila ng mga pagkain para sa lahat. Dala ang mga regalo na pinamili ni Mommy para sa kanila, inihanda ulit namin 'yon sa mga lamesa at pinaupo ang mga batang pinagkakaguluhan kami mula pa kanina.
Nang matapos na naming ihanda ang mga laruan sa mahabang table, hinanap ng mga mata ko ang batang palagi kong nilalapitan. Napasimangot ako nang hindi ko ulit siya makita sa mga nakahilerang bata kaya nagpunta ako sa lugar kung saan alam kong makikita ko siya.
Nang makarating ako ng playground, napangiti ako dahil nakita ko ro'n si Johanna na nakaupo sa swing—ang batang pinakagusto kong ingatan at alagaan sa lugar na ito. Nang makita niya ako, nanlaki pa ang mga mata niya bago kumaway sa akin at ngumiti. Ngumiti ako pabalik bago lumapit sa kan'ya. Naupo ako sa harap niya.
"Hello!" I said as I tried to communicate with her in sign language. "Bakit wala ka doon?"
Nagsimulang kumumpas ang mga kamay niya kasabay ng paglungkot ng mukha. Wala akong naintindihan kaya magsasalita na sana ako nang marinig ko si Fierro sa likod.
"Nahihiya raw siya sa mga bata."
Lumingon ako sa kan'ya saka ngumiti. Umupo siya sa tabi ko at nakipag-usap kay Johanna gamit ang sign language.
"'Wag ka nang mahiya sa kanila," sabi niya habang kumukumpas ang mga kamay. "Gusto na nilang maging kaibigan ka."
I remembered the last time I went here. I asked them why they don't want to play with Johanna. And they answered me,
BINABASA MO ANG
Love At The Coffee Shop
Roman pour Adolescents|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother was very against her dream of pursuing arts. While she's being forced to take a course she never wa...