Lunes ng umaga, tahimik kami ni Mommy habang kumakain. Gusto kong ipaalam sa kan'ya yung tungkol sa amin ni Fierro pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hindi ko rin alam kung bakit ngayon pa ako natakot sa magiging reaksiyon ni Mommy, samantala ilang taon ko nang nilalabanan yung mga kagustuhan niya para sa akin.
"May gusto ka bang sabihin?" bilang sabi ni Mommy habang kumakain, hindi man lang lumilingon sa akin.
Napaawang ang bibig ko. "H-Huh?"
Nag-angat siya ng tingin. "May sasabihin ka ba? Kanina mo pa ako tinitingnan."
Napaiwas ako ng tingin dahil nagsimula na namang lumala ang kaba na nararamdaman ko. Itinuloy ko na lang ang pagkain nang walang sinasabi sa kan'ya. Hindi na rin ulit siya nagtanong—siguro, alam niyang hindi pa ako handa.
Bago matapos kumain, nang makitang papaalis na si Mommy sa dining area dahil naubos na ang tea niya, tinawag ko siya.
"Mommy . . ."
Huminto siya sa akmang paglalakad palayo bago lumingon sa akin. "Ano, Calista? Handa ka na bang magsabi?"
Tumikhim ako bago humugot ng buntonghininga. "M-May boyfriend na po ako."
Natahimik siya at mukhang hindi inaasahan na 'yon ang sasabihin ko sa kan'ya. Bumalik siya sa pagkakaupo bago uminom sa baso niyang may laman pang kaunting tubig.
"Kailan pa?"
Tumikhim ulit ako bago nag-iwas ng tingin habang pinaglalaruan ang mga daliri ko sa ilalim ng table. "N-Noong Thursday po."
Tumango-tango siya. "Sinong umamin? Ikaw?"
Mabilis akong napalingon sa kan'ya. "H-Hindi po! Bakit ako aamin, Mommy?!"
Bahagya siyang ngumiti. "So, yung boyfriend mo . . . yung lalaking gusto mo?" Tumango ako nang marahan. "Paano mo siya naging boyfriend nang gano'n kabilis?"
Napayuko ako kasabay ng pagbuntonghininga. "Tinanong ko kung naniniwala ba siya sa action speaks louder than words. Tapos in-explain ko sa kan'ya na sa panahon ngayon, hindi na applicable ang kasabihan na 'yon. Tapos sinabi ko po sa kan'ya yung mga sinabi mo sa akin tungkol doon. Parang naging wake up call niya 'yon na sabihin sa akin yung totoong nararamdaman niya through his words—his music—tapos, ayon."
Tumango-tango si Mommy. "So, marami na siyang nagawa para sa 'yo simula pa? At 'yon ay dahil matagal na siyang may gusto sa 'yo?" Tumango-tango ako. "Paano mo nga naging boyfriend?"
Nagkibit-balikat ako. "Umamin din ako after. Sinabi kong gusto ko rin siya. Tapos, ayon. Nagkasundo kami na boyfriend ko na siya at girlfriend na niya ako."
Napanguso ako nang makita ang pigil na tawa ni Mommy bago siya tumayo. Naglakad siya palayo sa akin ng ilang hakbang bago siya muling lumingon.
"Dalhin mo siya rito. Gusto ko siyang makilala."
BINABASA MO ANG
Love At The Coffee Shop
Teen Fiction|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother was very against her dream of pursuing arts. While she's being forced to take a course she never wa...