Chapter 28

91 4 1
                                    


   

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   

Matapos kong pakinggan ang isang buong kanta na 'yon, tinanggal ko na ang earphones mula sa tainga ko at marahang ibinaba sa lamesa kasama ang MP3 player. Umayos ako ng upo nang pilit na hindi siya tinitingnan. Hindi rin siya nagsasalita at pakiramdam ko, hindi rin siya kumikilos ngayon.

Tumikhim ako bago humigop sa kape saka muling ibinaba ito sa lamesa.

Wala pa rin akong masabi. Kumakabog pa rin ang dibdib ko ngayon matapos kong mapakinggan yung nasa MP3 Player. Pakiramdam ko tuloy, kapag hindi ako nagsalita ngayon, babawiin na ni Fierro yung confession niya.

Muli, tumikhim ako. "Ah . . . ang . . . ang ganda . . . ng kanta." Tumawa ako nang peke habang sumusulyap-sulyap sa kan'ya. "N-Nagustuhan ko."

Pilit ulit akong ngumiti sa kan'ya pero dahil nakatitig siya sa akin sa kabuuan ng oras na 'yon, muli akong nag-iwas ng tingin. Humigop ulit ako ng kape bago tumayo.

"U-Uwi na ako."

Matapos kong sabihin 'yon, nagmadali akong lumabas ng coffee shop saka umalis. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil pakiramdam ko, mali itong ginawa kong pag-alis at pag-iwan sa kan'ya. Para tuloy tinanggihan ko yung confession niya.

Pero hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko at kung paano ako magsasalita sa harap niya! This is the first time that someone confessed to me! Ano bang dapat sabihin after that? Kailangan ko na rin bang umamin?!

Napatigil ako sa paglalakad nang huminto siya sa harap ko. "Calista . . ."

Nag-iwas ulit ako ng tingin saka kinagat ang ilalim na labi.

"Calista, ihahatid na kita." Lumunok ako bago nag-angat ng tingin sa kan'ya. "I'm sorry if I made you feel comfortable. Kalimutan mo na lang yung—"

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya bago nagsalita nang hindi siya pinapatapos. "Bakit?"

Umawang ang bibig niya. "Huh?"

Umihip ang hangin kaya naman natuon ang atensiyon ko nang mabilis sa buhok niyang gumalaw. Napalunok ako bago nagsalita ulit.

"Bakit kakalimutan ko?"

Lumunok siya. "Kasi naging uncomfortable ka sa akin dahil do'n." Tumango siya nang marahan. "Kasi . . . hindi ka gano'n sa akin."

Napakunot-noo ako. "Anong . . . hindi gano'n?"

Nagkibit-balikat siya bago ngumiti nang bahagya. "Hindi gano'n ang nararamdaman mo sa akin." He sighed. "Pero ayos lang naman. Hindi naman kita pipilitin. Gusto ko lang malaman mo kasi . . . ayaw kong may pagsisihan."

Napahawak ako sa sentido ko bago nagsimulang maglakad ulit. Sumabay naman siya sa paglalakad ko. Nagsimula na akong magsalita.

"Sorry kung umalis ako. Hindi ko kasi alam kung paano magre-react. Ngayon lang may umamin sa akin. I'm sorry kung umalis ako."

Love At The Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon