Chapter 41

88 3 0
                                    

     

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  
  

For the following days, hindi ko kinausap si Fierro. Hindi niya rin ako kinausap! He’s just sending me good morning and good night messages, reminders for me to eat and sleep and a few I love you’s that I never replied to once.

Isang gabi, nang hindi ako makatulog dahil isang linggo na kaming hindi nagkakausap, nag-text na ako sa kan’ya.

Me:

Gaano ba kahirap sabihin sa akin ‘yon? Gusto ko lang naman malaman kung bakit nilihim mo sa akin yung purpose ng pagpunta mo sa Manila. Hindi naman ako magagalit. :(

After a minute, he replied.

Fierro:

Just trust me on this one, please.

I didn’t reply kasi hindi naman niya sinagot yung tanong ko. Ilang sandali pa, nag-text ulit siya.

Fierro:

I love you. So bad.

Ni-lock ko na lang ulit ang phone ko saka ibinalik sa side table. Binalot ko  na ulit ng kumot ang sarili bago ipinikit ang mga mata.

Sige, ‘wag mong sabihin. Tiisin mo lang ako nang tiisin, Fierro.

Sa kalagitnaan ng pagtulog ko, nagising ako ng madaling-araw sa isang panaginip na hindi ko na matandaan pero pinakabog ang dibdib ko. Para akong kabang-kaba sa hindi ko malaman na dahilan. Bumangon na lang ako at bumaba para uminom ng tubig. Pagkatapos, bumalik ulit ako sa k’warto para matulog na ulit.

Kinabukasan, sa school, naghintay ako kay Fierro sa loob ng classroom. Hindi ko alam kung bakit binagabag ako ng panaginip ko kahit na hindi ko naman matandaan kung anong nangyari do’n. Hindi rin ako mapakali ngayon dahil almost 7:30 a.m. na pero wala pa siya.

Tiningnan ko ang cellphone ko. Wala naman siyang sinabing hindi siya papasok ngayon. Ang huling text niya?

Fierro:

Good night, Cali. ❤️

Napanguso ako bago nag-type ng message para sa kan’ya.

Me:

Saan ka? Hindi ka ba papasok? Mali-late ka na.

I waited for a few minutes pero dumating na ang unang professor para sa umaga, wala pa siya. Marked absent na siya dahil tapos nang mag-check ng attendance pero wala pa rin siya. Nagsimula nang mag-discuss hanggang sa matapos na ang unang prof at pumasok na ang ikalawa, wala pa rin siya.

Wala rin siyang reply sa akin.

Ano bang nangyari sa kan’ya?

Nang matapos ang klase sa umaga, niyaya na ako ni Frieda mag-lunch.

Love At The Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon