Chapter 24

107 4 0
                                    


   

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   

Nang mga sumunod na araw at linggo, wala namang nagbago sa pagkakaibigan namin ni Fierro. Kahit na paminsan-minsan, sa gabi, nagkakaroon ng pagkakataon na pakiramdam ko, kaming dalawa lang ang tao sa mundo.

Kahit na madalas, iba na yung kabog ng dibdib ko kapag magkasama kami, hindi naman ito naging dahilan para magkaroon ng pader sa pagitan ang pagkakaibigan naming dalawa.

"Nakompleto mo na?" tanong ni Fierro habang naglalakad kami papasok sa unang subject.

Tumango ako. "Oo. Original ba ang kailangan o photocopy?" tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "Photocopy lang siguro, pero magdala ka na rin ng original copy bukas para sigurado."

"Okay, sige." Hinawakan ko ang magkabilang strap ng bag ko saka lumingon sa kan'ya. "Sigurado bang makakakuha ako ng scholarship doon?"

Ngumiti siya. "Kung makakapasa ka sa exam, siguradong-sigurado."

Ngumuso ako. "Sana makapasa ako. Ano ba yung mga usual na laman ng questionnaire?"

Tumawa siya. "Hindi ko rin alam, first time ko lang din kukuha ng scholarship bukas." Pati ako natawa dahil do'n. "Tinutulungan ko lang magpasa ng requirements ang mga kakilala ko pero hindi ako nagpapasa ng sa akin."

Tumango-tango ako. "Sana makapasa tayo."

He chuckled. "Feeling ko naman, yung mga pinag-aralan noong junior tayo yung nasa questionnaires. Madali lang siguro 'yon."

Nagbuntonghininga ako bago kami nagsimulang humakbang paakyat sa hagdan papunta sa classroom namin. "Wala na nga akong matandaan do'n!" reklamo ko.

Tumawa ulit siya bago ginulo ang buhok ko. "Kaya mo 'yan. Makakapasa ka."

"Sana lang talaga."

Nang makapasok kami sa loob, nakita kong nandoon na rin sina Frieda at Mona. Blooming ang ate mo girl na Mona dahil may jowa na! Sana all! Itong si Frieda naman, nginingisihan lang ako dahil magkasabay na naman kaming pumasok ni Fierro.

Hindi ko naman kasi sinabing hintayin ako ng tao palagi! Feeling ko tuloy, may gusto na rin sa akin si Fierro. Hays!

Nang maupo ako sa pagitan nila, mabilis na inilapit ni Frieda ang upuan niya sa akin. "Bakit palagi na kayong magkasama? As in, palagi?! Mas madalas pa yata kayong magkasama ni Fierro kaysa kay Mona at Caleb!"

Ngumiti ako nang patay-malisya. "N-Nag-aasikaso kami ng para sa scholarship. Magpapasa raw kami sa mayor's office bukas."

Umawang ang bibig ni Mona. "Bakit ka magpapasa doon?"

I scoffed. "Duh! Para sa free tuition sa college!"

Ngumuso si Frieda. "Gago ka ba? Ang dami-daming pera ng pamilya mo tapos magpapaka-scholar ka lang sa mga corrupt na 'yon?!" bulyaw niya.

Love At The Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon