Chapter 07

158 10 0
                                        


     

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     

Kahit na nandito pa si Daddy until next week, umalis pa rin ako ng bahay that same night para pumunta sa graffiti zone. Hindi ko nga alam kung nandoon ba si Fierro dahil hindi naman niya alam na pupunta ako ro'n pero . . . bahala na! Dati naman akong pumupunta dito nang hindi inaasahang makikita siya.

Paliko pa lang ako sa madilim na kanto papuntang graffiti zone, nakita ko na siya na naglalakad kasama ang mga lalaking kasama niya noon. Nandoon din yung lalaking nagbigay sa kan'ya ng blue bills.

Hanggang ngayon, curious pa rin ako. Sana, wala siyang ginagawang masama.

Nang makita ako ni Fierro, huminto siya sa paglalakad. Tumingin siya sa mga kasama at saka nagsalita.

"Baka hindi na ako pumunta. Pakisabi na lang."

Kumunot-noo ang lalaking nagbigay sa kan'ya ng pera noong huling beses. "Huh? Pero naka-set na 'yon! Ikaw inaasahan do'n! Malaki-laking raket—"

Nag-iwas ng tingin sa akin si Fierro. Itinuon niya ang buong atensyon sa lalaking nagsasalita.

"Sabihin mo na lang may emergency. Kung gusto mo, ikaw na lang. Kayang-kaya mo 'yon. Sige na."

Matapos niyang sabihin 'yon, tinapik niya ang balikat ng lalaki at pinaalis na. Nang tuluyan nang mawala ang mga 'to sa lugar, lumapit sa akin si Fierro nang nakapamulsa ang dalawang kamay sa pants. Sumilip siya sa likod ko at tiningnan ang magkabilang kamay ko.

"Wala kang dalang . . . spray paint?"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Muntik na akong mapasapo sa noo dahil nakalimutan ko palang bumili!

"H-Ha?!" Nagsimula na akong mag-panic kasabay ng pag-iwas ng tingin sa kan'ya nang paulit-ulit. "A-Ano kasi—"

Bahagya siyang tumawa. "Hindi ka nagpunta dito para mag-vandalize ngayon?"

Napalunok ako kasabay ng pagyuko. "N-Nakalimutan ko lang bumili."

Nakita ko ang pilit niyang ngumiti dahil sa pagsilip ng mababaw niyang dimples. Ngayon ko lang napansin 'yon sa kan'ya, ah?!

"So . . . hindi ka nga nagpunta dito para mag-vandalize." Umayos siya ng tayo at inilagay ang dalawang kamay sa likuran niya. "May gusto ka bang puntahan?"

I gulped, looking away from him because of the shyness I felt. "M-Magkape." Ibinalik ko ang tingin sa kan'ya nang may pilit na mga ngiti. "Gusto kong magkape."

Tumango-tango siya. "O sige pero . . . bago 'yan, gusto mo bang maglakad-lakad muna?" Hindi ako nakasagot. "Kadarating mo lang kasi. Baka . . . kapag naubos ang kape mo, umuwi ka kaagad."

Lihim akong napangiti dahil pakiramdam ko, dahil sa sinabi niya, ayaw niya munang umuwi ako.

Tumango ako at sinabayan siya sa paglalakad-lakad. May limang minuto na siguro kaming tahimik nang bigla, magtanong siya.

Love At The Coffee ShopMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon