Buong linggo pagkatapos n'on, iniwasan ako ni Fierro.
Nakikita ko siyang pumapasok at masaya ako do'n kasi hindi niya pinabayaan ang pag-aaral niya dahil sa nangyari sa amin. Pero nasasaktan ako na . . . sa tuwing nakikita niya ako sa daraanan niya, liliko siya para lampasan ako.
Nakikita ko rin na palagi siyang may bagong sugat at alam ko na kahit dito, dinadala niya ang pakikipagbasag-ulo niya. Hindi ko alam kung saan siya nakikipag-away. Hindi ko naman alam kung saan-saan na siya nagpupunta sa tuwing may free time siya.
"Ano bang ginawa ko kay Fierro?" umiiyak na sabi ko habang kausap si Frieda sa cellphone.
Nagbuntonghininga siya. "Nasasaktan, eh. Hayaan mo na muna siya. Alam niya ang limitasiyon niya. Nakilala mong gan'yan si Fierro noon, eh. Baka 'yan yung paraan niya para maialis ang sakit na nararamdaman niya dahil sa breakup n'yo."
Pumatak ang luha ko sa uniform na suot. Pinunasan ko ang mga pisngi kong basa bago sumagot. "Hindi naman tama 'to." I sobbed. "Sinasaktan niya ang sarili niya dahil lang do'n."
She sighed. "Hindi lang ang breakup n'yo. Mahal na mahal ka ng tao. Siguro, hindi mo naiintindihan kasi hindi mo na siya mahal, pero lahat ng taong dumaan sa breakup habang mahal pa yung ex nila, at some point, nagkaroon sila ng self-harming phase. It's either hindi natutulog, hindi kumakain, nagpapakalunod sa alak, hindi pumapasok sa school o hindi magawa ang mga bagay na dati namang gusto nilang ginagawa. Maraming form ng self-harming at nagkataon namang literal na pananakit sa sarili ang kay Fierro."
I gulped the lumps that were forming in my throat. "Hindi ko mapigilan kasi hindi ko naman alam kung saang lugar niya ginagawa 'yon. Hindi ko akalain na madadala niya dito sa Manila 'yon."
"Bigyan mo muna ng oras si Fierro na iproseso ang breakup n'yo, Calista. Hayaan mo na muna siya. Mag-usap na lang ulit kayo kapag kalmado na siya, hmm?"
Makalipas ang ilang minutong pag-uusap namin ni Frieda, nagpaalam na siya dahil may trabaho pa siya. Ako naman ay naiwan lang na nakaupo sa bench malapit sa lagoon. Nang maalala na naman ang mga ginagawa ni Fierro sa sarili niya, automatic na umagos muli ang mga luha ko sa pisngi.
Napabuntonghininga ako at handa nang punasan ang mga luha nang mapaangat ako ng tingin sa naglahad ng panyo sa harap ko.
"Kanina ka pa umiiyak, miss."
Napakunot-noo ako. "Uhm . . . s-sorry?"
Tumawa siya nang mahina bago lumapit nang kaunti at siya na ang kusang nagpunas ng luha sa pisngi ko. Napalayo ako nang kaunti sa kan'ya nang dahil do'n. Mukha namang napansin niya ang pagiging uncomfortable ko kaya kinuha niya ang kamay ko saka inilapag ang panyo sa palad ko. Naupo siya sa bench na inuupuan ko pero nagbigay ng malaking distansya sa aming dalawa.
"Anak ka ng may-ari ng Fernandez Medical Center, 'di ba?"
Napalingon ako sa kan'ya nang dahil do'n. "H-Huh?"
BINABASA MO ANG
Love At The Coffee Shop
Teen Fiction|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother was very against her dream of pursuing arts. While she's being forced to take a course she never wa...