|| third installment of "habit series" ||
Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother was very against her dream of pursuing arts. While she's being forced to take a course she never wa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naglakad-lakad kami ni Fierro malapit sa bahay nina Solari at naupo sa ledge sa harap ng INC church. Doon ko kinwento sa kan'ya lahat ng nangyari ngayong araw dahil kanina pa siya nag-aalala dahil hindi ako pumasok maghapon at hindi ako nagparamdam sa kan'ya.
"Kaya . . . feeling ko, hindi ko na itutuloy yung pagkuha ng Fine Arts," sabi ko matapos ipaliwanag sa kan'ya ang tungkol kay Mommy.
Nagbuntonghininga siya. "Hindi ka ba nabibigla?"
Ngumiti ako. "Hindi ko rin alam. Feeling ko, yun yung pinakatamang gawin, eh."
Bahagya siyang sumimangot. "You don't owe them anything for raising you. It's their responsibility. Kahit na ano pa man nangyari noon, labas ka na ro'n, Calista."
Nagbuntonghininga ako bago isinandal ang ulo sa balikat niya. "Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. Ayaw ko talagang mabuhay katulad ni Daddy."
Ilang sandali siyang natahimik bago ko naramdaman ang paglagay niya ng buhok ko sa likod ng tainga. "Bakit? Ano ba ang buhay ng daddy mo?"
I sighed. "General surgeon siya kaya halos sa hospital na siya tumira. Kung titingnan mo ngayon kung paano mabuhay ang pamilya namin, lagi siyang wala sa bahay. Hindi naman kasi maliit na hospital yung . . . yung pagmamay-ari ng lolo't lola ko kaya hindi rin nawawalan ng pasyente. Mahal niya rin ang profession niya kaya . . . ayon." I scoffed. "Parang mas mahal niya pa 'yon kaysa sa pamilya niya."
Naramdaman ko ang bahagya niyang pagtango kasabay ng pagbuntonghininga niya nang mahina. "Baka dahil kasama sa sinumpaan niyang tungkulin 'yon . . ."
Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya nang hindi inaalis ang ulo sa balikat niya. "May sinumpaang tungkulin din siya kay Mommy bilang asawa noong kinasal sila—sa harap ng Diyos—sa harap ng altar. Nakalimutan niya ba 'yon?"
He sighed. "Baka masyado lang umikot ang buhay niya sa pagligtas ng buhay ng ibang tao." Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm sorry. Hindi ko alam kung anong isasagot ko."
Umiling ako bago mas inilapit ang sarili sa kan'ya bago ipinikit ang mga mata. "Yung nandito ka ngayon, sapat na, Fierro. Wala kang kailangang gawin sa ganitong sitwasyon kung hindi manatili sa tabi ko at hawakan ang kamay ko . . . tulad nito." Muli akong tumingin sa kan'ya. "Salamat."
He smiled. "May hiling ako sa 'yo."
Napakunot-noo ako bago inialis ang ulo sa balikat niya. "Ano?"
Humarap siya sa akin nang mabuti. "'Wag mong bitiwan ang pangarap mo."
Bahagyang umawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Ang . . . ang hirap naman niyan."
He sighed before holding my chin and moving my face so he could see me better. "Magtutulungan tayo. Maraming ibang paraan para bumawi sa mga magulang mo kung yun talaga ang gusto mong gawin. Hindi mo kailangang . . . bitiwan yung mga bagay na mahal mo. Magtiwala ka sa akin. Hmm?"