Chapter 25

105 4 0
                                    


     

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     

Habang naghihintay ng jeep na sasakyan kung saan kami magkikita ni Fierro, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone sa bag ko. Nagmamadali akong kinuha 'yon dahil hindi ko pa pala nai-check 'yon simula nang mag-text ako kay Fierro! Pagkakita ko sa screen, nakita ko siyang tumatawag. Mabilis kong sinagot 'yon.

"Hello . . ." he said on the other line.

Napalunok ako. First time kong narinig ang boses niya sa cellphone, ah?

"Uhm, uy?"

He chuckled. "Hindi ka kasi nagre-reply. Uhm, ready ka na?"

Napaawang ang bibig ko. "Sorry! Oo, kanina pa, actually. Naghihintay na lang ako ng jeep papunta d'yan."

He chuckled again. "Okay, then. Take care, Calista."

Napangiti na lang ako bago ibinaba na ang tawag. Lalong pumogi naman si Fierro sa imagination ko. Ano ba 'yan!

Ibabalik ko na sana ang cellphone sa bag nang maalala ko na sinabi niyang hindi ako nagre-reply. Sa pagiging busy ko sa paggayak ngayon, nakalimutan ko nang i-check ang cellphone ko! Binasa ko ang mga text niya at hindi mapigilang mapahagikgik sa napagtanto.

One minute lang ang agwat ng text ko sa kan'ya at reply niya sa akin!

Fierro:

Good morning din! I'm already eating my breakfast. See you later!

I read his other text messages.

Fierro:

I'm already done preparing. Send me a message kapag paalis ka na. :)

Fierro:

Mukhang gumagayak ka pa pero pupunta na rin ako sa meeting place. See you there!

Fierro:

I'm already here. I'll wait for you.

Fierro:

Take your time, Calista. :)

Fierro:

Hey?

Sa huling text niya bago siya tumawag, hindi ko napigilan ang matawa. Take your time, Calista, huh? Tapos may pag-hey. Mukhang nainip na!

Pero, wait! Noong sinabi niyang nandoon na siya, kanina pa 'yon, one hour ago, ah?! Kanina pa siya naghihintay sa akin, OMG! Nakakahiya!

Ilang sandali pa, may huminto nang jeep sa harap ko. Sumakay kaagad ako ro'n saka nagbayad ng pamasahe. Mabilis lang din akong nakarating sa meeting place namin ni Fierro kaya naman wala pang sampung minuto simula nang sumakay ako, bumaba na rin kaagad ako. Nakita ko siya na nakatayo sa waiting shed, naghihintay sa akin.

Lumapit siya nang may ngiti sa labi.

"Hi," he greeted me.

I smiled back. "Hi! Sorry, natagalan."

Love At The Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon