Hindi ako pumasok sa school. Pinatay ko rin ang cellphone ko dahil sigurado akong tatawag nang tatawag si Fierro, pati sina Frieda at Mona para tanungin kung ayos lang ba ako at kung bakit hindi ako pumasok. Sa ngayon, ayaw ko na munang makipag-usap sa kahit na sino dahil pakiramdam ko, sobra-sobra yung naging bigat ng dibdib ko dahil sa mga narinig kay Mommy.
Huminto ako sa harap ng bahay ng isa sa pinakamalapit na tao sa buhay ko. Hindi ko alam kung anong schedule niya ngayon pero sana, nandito siya. Sana, mamaya pa siya papasok.
Lumunok muna ako bago pinindot ang doorbell. Hindi na ako naghintay nang matagal dahil ilang sandali lang, pinagbuksan na ako ni Tita Luna.
"Oh, Calista, anak! Kumusta? Napadalaw ka?" nakangiting pagbati sa akin ni Tita Luna—ang mama ni Solari.
Mabilis na nangilid ang mga luha ko dahil simula noon, ramdam na ramdam ko kung paano niya ako alagaan. Sa tuwing may problema rin kami ni Mommy simula last year, dito rin ako nagpupunta dahil dito ko lang nararamdaman na may pamilya ako kapag wala ako sa bahay.
"Tita Luna . . ."
Oras na banggitin ko ang pangalan niya, nawala ang mga ngiti sa labi niya. Yumakap ako sa kan'ya at saka humagulgol sa balikat niya. Niyakap niya naman ako pabalik habang pinapakalma, hindi nagtatanong sa kung anong nangyari at bakit ako umiiyak sa harap niya.
"Halika, pumasok ka muna, nasa loob si Solari."
Kumalas ako sa yakap saka tumango bago kami sabay na pumasok sa loob ng bahay nila. Pagpasok ko, nakita ko kaagad si Solari na kumakain ng breakfast niya, mukhang nagulat pa nang makita ako.
"Calista!" Tumayo siya at mabilis na pumunta sa akin. "Bakit ka umiiyak?" tanong niya bago ako niyakap.
Yumakap ako sa kan'ya pabalik. "Ayaw sa akin ni Mommy. Ayaw niya sa akin."
Lalong bumuhos ang mga luha ko matapos kong sabihin 'yon.
Kahit gaano ako nasaktan ni Mommy sa pagpilit niya sa akin na kuhanin ang kursong gusto niya, hindi ko kailanman siya inayawan dahil alam ko, bilang ina, marami rin siyang isinakripisyo para sa akin. Gusto kong ma-appreciate 'yon at palagi kong inaalala 'yon sa tuwing nagkakaroon kaming dalawa ng alitan.
Pero ngayon . . . kahit paano ko alalahanin yung mga araw na naging masaya kaming dalawa bilang ina at anak . . . hindi mawala yung sakit at hindi ko makalimutan lahat ng masasakit na narinig ko sa kan'ya kaninang umaga.
"Bakit mo naman sinasabi 'yan? Hindi naman siguro totoo 'yan," sabi niya.
Umiling ako nang umiling pero hindi na nagsalita pa. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa kumalma na ako. Pinaupo niya ako bago ako binigyan ni Tita Luna ng maiinom.
Napalunok ako nang makita na 7:15 a.m. na. May klase pa si Solari.
"P-Pumasok ka na, Ate . . . baka ma-late ka pa."
BINABASA MO ANG
Love At The Coffee Shop
Novela Juvenil|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother was very against her dream of pursuing arts. While she's being forced to take a course she never wa...