Chapter 18

123 7 0
                                        


   

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   

Hindi na ako nagulat nang makalipas ang wala pang isang oras, dumating na si Manang, may dalang mga gamit at pagkain mula sa bahay. Tumayo kaagad si Mommy para lumapit sa kan'ya saka ibinilin sa kan'ya ang mga sinabi ng doctor kanina.

"Sige ma'am, magpahinga na kayo."

Tumango si Mommy. "Tumawag ka kaagad sa akin kapag may problema."

Matapos n'on ay umalis na si Mommy. Ni hindi man lang nagpaalam sa akin! Grabe talaga!

Lumapit sa akin si Manang matapos ibaba ang mga gamit sa gilid. Hinagod niya ang ulo ko na para ba akong bata.

"Kumusta ka na? Kagabi ka lang nagkasakit pero ang laki na kaagad ng ipinayat mo," sabi niya habang tinitingnan ang mga braso ko.

Tumawa ako. "Ayos lang ako, Manang. Medyo nanlalambot lang hanggang ngayon. Parang mas gusto kong mahiga lang at matulog nang matulog."

Tumango si Manang. "Hanggang bukas ka pa raw dito. Sabi ng mommy mo, dehydrated ka raw dahil sa sobrang pagsusuka kagabi. May UTI at gastritis ka rin daw."

Napaiwas ako ng tingin nang maalala kung paano nasaktan si Mommy matapos kompirmahin ng doctor kung ano ang mga findings nila ayon sa mga test na ni-run nila sa akin kanina. Pakiramdam ko nga, iiyak na kanina si Mommy pero nagpigil lang.

Mabuti na lang talaga, umuwi na siya. Baka magkaiyakan pa kami ditong dalawa. Ayaw ko pa naman nasasaksihan na gano'n siya.

"Gagaling din naman 'to. Inumin lang nang tama yung gamot," sagot ko.

Hindi naman ito yung unang beses na nagkasakit ako nang ganito. Sa pagkakatanda ko, mataas daw ang acid ko noon pero hindi naman ganito kalala yung dating naospital ako. Dinala kasi kaagad ako ni Daddy sa hospital noong sinabi kong masakit nang sobra ang tiyan ko at parang gusto kong sumuka kahit wala naman akong isusuka. Tinanong niya rin kung saan masakit. Hindi pa naman ako nagsuka noong time na 'yon kaya hindi ko inasahan na ganito yung ngayon.

"Hindi ka p'wedeng magkape, Calista. Binilin sa akin ng Mommy mo na itago ko raw ang coffee maker mo at itapon ang mga kape mo ro'n."

Mabilis akong napasimangot kasabay ng pagsipa-sipa habang nakahiga. "Bakit itatapon niya?! P'wede namang itabi 'yon! Ang dami-dami at ang mamahal n'on! Alam naman niyang hindi lang basta kape 'yon! Pinapa-order ko pa 'yon mula sa Kalinga tapos itatapon niya lang, eh p'wede ko namang inumin 'yon kapag magaling na ako!"

Tumawa si Manang bago naupo sa gilid ng kama ko. "Biro lang. Hindi ko tinapon kahit pinapatapon niya sa akin. Itinabi ko lang pero hindi mo pa pwedeng inumin 'yon, maliwanag? Kailangan, masigurado ko munang talagang magaling ka na bago ko ibalik lahat sa 'yo 'yon."

Ngumiti ako nang malawak. Kung nakabangon lang ako, niyakap ko na si Manang.

"Thank you, Manang! The best ka talaga!" Tumawa siya. "Siya nga pala, akala ko ikaw yung nagbantay sa akin dito mula kagabi?"

Love At The Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon