Days until weeks have passed, marami ang nangyari.
Patapos na ang buwan ng September kaya naman tinapos ko na rin ang Personal Development project namin ni Fierro. Na-pressure kasi ako noong sinabi niyang tapos na siya. Aside from that, nabalitaan namin na official na palang mag-jowa sina Mona at Caleb!
Nakakatuwa kasi dati, sinisilay-silayan niya lang pero ngayon, sila na talaga!
Frieda, on the other hand, remained hopeless romantic. May nag-a-attempt naman na manligaw sa kan'ya kaso ayaw niya kaya day one pa lang ng panliligaw, pinatitigil na niya.
"Ako na lang yata single sa mundo."
Napailing na lang kami ni Mona habang pinakikinggan ang mga reklamo niya tungkol sa pagiging taken naming dalawa at ng pagiging single niya.
"Frieda, kung marunong ka lang mag-entertain ng manliligaw, hindi ka single ngayon. Promise," sabi ko.
"Baka kasi hindi niya gusto? May iba siyang gusto?" tanong ni Mona.
Nagkibit-balikat ako. "P'wede namang i-entertain kahit hindi gusto. Kaya nga siya liligawan para magpakilala at magkaroon ng chance na magustuhan niya rin."
Tumawa si Frieda. "Hindi ko aaksayahin oras ko sa mga gan'yan, Calista. Ayaw ko pilitin sarili kong gustuhin yung tao dahil lang niligawan ako."
Napakamot ako sa leeg. "Natututunan namang mahalin ang isang tao, 'di ba?"
"Huh?" tanong ni Mona habang nakakunot-noo sa akin. "Hindi ba kusang nararamdaman 'yon?"
"Natututunan ang pagmamahal pero hindi ako naniniwalang genuine love 'yon." Ini-stretch niya ang mga paa sa sahig saka inilagay ang mga kamay sa batok. Mukha siya ngayong sumusuko sa mga pulis! "Hindi rin ako naniniwala sa courtship. Puro pakitang-tao lang naman 'yang mga 'yan."
Napasimangot ako.
Ang dami niyang alam sa love pero hindi pa siya nagkaroon ng boyfriend kahit kailan. Saan kaya niya natutunan 'yon?
"Bakit naman ayaw mo sa panliligaw?" tanong ni Mona.
Tumawa si Frieda. "Sa panliligaw, ipapakita lang sa 'yo lahat ng good side ng manliligaw mo para magpa-impress sa 'yo—para magustuhan mo. Hindi nila ipapakita lahat ng pangit sa kanila. Maniwala ka, Mona."
Napatango-tango ako dahil may point naman siya.
"Sige nga, sino niligawan sa inyo ng boyfriend n'yo ngayon?"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Mona bago tumawa saka sumagot. "Wala," sabay naming sabi.
Tumawa si Frieda. "Nakita n'yo ba mga bad side nila?" tanong niya pa. Tumango kami pareho. "Pero nagustuhan n'yo pa rin sila, 'di ba?" Muli, tumango kami. "'Yan yung sinasabi ko. Hindi mo kailangang ligawan ang isang tao para magustuhan ka."
BINABASA MO ANG
Love At The Coffee Shop
Teen Fiction|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother was very against her dream of pursuing arts. While she's being forced to take a course she never wa...