Chapter 47

68 2 0
                                    

    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

    

The following weeks and days, mas naging busy ang lahat ng mga estudyante dahil sa papalapit na final examination. Naging focus kami ni Fierro sa pagre-review dahil gusto namin na mahatak ang grades namin sa midterm para sa scholarship na kinuha namin.

Well, kung sa Manila siya mag-college, hindi naman na niya kailangan 'yon gawin.

Nag-eighteenth birthday na rin si Mona. In-expect ko nga na i-invite niya kami ni Frieda sa kanila pero mukhang may issue din siya sa family niya. Bawi na lang daw siya sa work immersion kung sakali.

Binigyan ko siya ng birthday gift na hair clip na may mga diamond na design dahil nakita kong bagay sa kan'ya 'yon. Sobrang natuwa naman siya.

"Handa ka na ba?" tanong ni Fierro habang naglalakad kami pauwi galing sa KSD ngayong gabi.

Malapit na kasi ang curfew ko. Kailangan ko nang umuwi. Mabuti nakapag-review maman kami nang mabuti.

Tumango ako. "Okay na siguro, marami na akong maisasagot bukas," sabi ko.

Dagdag pa sa inaalala ko si Mona at Caleb. Feeling ko, nagkaroon sila ng alitan. Hindi sila nagpapansinan simula Monday tapos itong si Caleb, pumasok nang lasing kahapon kaya naman na-suspend siya ngayong araw. Exam day na bukas. Sana, maayos lang sila.

Maaayos pa naman siguro nila kung ano man ang naging alitan nila.

Kinabukasan, mas lumala ang pag-aalala ko kay Mona. Maputla siya at walang kaimik-imik. Hindi man lang kami tinitingnan.

"May problema?" tanong ni Frieda sa akin.

Nginuso ko si Mona na mukhang lumilipad ang isip. Tiningnan ko ang mga palapulsuhan niyang sumisilip mula sa jacket na suot. Nakita ko na marami siyang bagong sugat.

"Pangit ng coping mechanism ni Mona," sabi ni Frieda bago pumalatak habang umiiling.

Napabuntonghininga ako bago bahagyang lumapit kay Mona.

"Mona . . . k-kumusta ka na?"

Mabagal siyang tumingin sa akin saka ngumiti nang maliit. "Okay lang ako, Calista."

Lalo akong napasimangot. Hindi ganito ang boses ng taong okay lang, Mona.

Nagbuntonghininga ako. Hindi ko na alam kung paano makakatulong sa kan'ya. Siguro, sa ngayon, hayaan ko muna silang dalawa ni Caleb. Sana, magkaayos na sila tutal, pareho naman na silang present ngayon.

***

Kinabukasan, last day ng exam, hindi na pumasok si Mona.

Halos lahat ng mga kaklase namin, hinahanap siya kay Caleb pero mukhang wala rin itong idea kung nasaan ang girlfriend niya.

Bakit naman siya um-absent ngayon? Alam niya namang last day na ng final exam! Sana naman tinapos na niya.

"Curious talaga ako paano gumagana utak ng mga taong tulad ni Mona," sabi ni Frieda habang naghihintay kami para sa ikalawang subject na i-e-exam.

Love At The Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon