Chapter 60

94 2 0
                                    

   

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   

At the age of 28, I became a licensed doctor.

The years I've spent studying this field were, like, a misery to me. I can't believe I easily let go of my love for art just to chase this profession. Many people may feel proud of me for what I have achieved in this field but I, myself, could never be proud of it, considering how I'll start living with this my whole life starting today.

"Congrats! Congrats, anak!" umiiyak na sabi ni Mommy bago ako niyakap nang mahigpit matapos niyang malaman na nakapasa ako sa board exam.

Ngumiti ako kasabay ng pagpatak ng mga luha ko bago yumakap sa kan'ya pabalik.

"Maraming salamat. Anak, salamat. Salamat dahil naging doctor ka."

Hindi tumitigil ang pagpatak ng mga luha ko habang paulit-ulit na nagpapasalamat sa akin si Mommy. Wala akong maramdamang saya at puro pagsisisi lang ang mayroon sa puso ko. Pero ano pa bang magagawa ko? Nandito na 'to.

Nakakatawa lang na sa halos isang dekadang nagdaan, masasabi ko pa rin na ayaw kong maging doctor.

Binitiwan ko ang pagmamahal ko sa art sa pag-aakalang magkakaroon ako ng oras para makagawa ng art sa tuwing gusto ko, tulad noon, pero hindi. Nagkamali ako. Dahil sa loob ng halos isang dekada, hindi ako nagkaroon ng oras para gumuhit o magpinta. Hindi ko alam kung busy ako sa pag-aaral, pagod sa buhay, o nawala na talaga ako sa mundo ng art.

Maybe the fire of passion that's burning within me before were all gone now.

Sa loob ng halos isang dekada, ang daming nangyari sa buhay ko—naming lahat. I had a lot of failed quizzes in the first few months of my breakup with Fierro and there were times that I was giving up.

Pero anong karapatan kong sumuko ngayon kung isinakripisyo ni Mommy ang pangarap at buhay niya para mabuhay ako?

If I was completely alone in this battle, I would go insane—I might even commit a suicide for all the struggles I had for the past years that I am taking this path I chose but never wanted in the first place. Mabuti na lang, nand'yan si Frieda.

Pero ngayon, wala na rin siya. Ako na ang kailangan niya ngayon—siya na ang may kailangan ngayon sa amin—sa akin.

"Migo . . ." I answered the phone as soon as I entered my room. "Kumusta si Frieda?"

Humalakhak siya. "Congrats, Doc!" masiglang bati niya. "She's sleeping now."

I smiled. "Let her know that I'll come by later, okay?"

I heard him sigh. "Thank you for not giving up on her."

I chuckled before sitting on my bed. "Thank you for not giving up on her."

He chuckled. "How could I give up on the person I love?"

My eyes started to heat. "Thank you, Migo. I know that three years is already a lot of time to recover from the trauma that she had but, please, don't give up on her, okay?"

Love At The Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon