|| third installment of "habit series" ||
Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother was very against her dream of pursuing arts. While she's being forced to take a course she never wa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nang mapagtipon-tipon na ang 25 na orphan sa backyard ng orphanage, inayos ko na rin ang mga regalo sa mahabang table na inihanda nila para dito. Ang ibang volunteer naman ay nagluluto ng pagkain para sa lahat habang ang mga madre ay pinaupo ang mga bata sa mga upuang inihanda nila na para bang kukuha kami ng class picture.
“Pasensiya na talaga, hija, kung ngayon lang kami naghahanda. Hindi kasi kami sinabihan nitong si Fierro na may ganito pala at may kasama siya sa pagbalik niya,” sabi ni Sister Wendy sa akin.
Umiling ako saka ngumiti. “Ayos lang ho, mahaba pa naman ang araw.”
Ngumiti siya bago hinawakan ang dalawang kamay ko. “Maraming salamat sa pagmamahal mo kay Fierro at sa pagsuporta at pagsama sa kan’ya dito. Napakalaking bagay para sa amin nitong ginagawa mo.”
Tumawa ako nang bahagya. “Walang anuman po. Makakaasa pa kayo sa mga susunod.”
Marami siyang naging kwento sa akin tungkol habang inaayos namin ang mga regalo. Si Fierro naman ay nakikipaglaro sa mga bata at kinakausap ang ibang tahimik at mukhang bagong dating.
Ilang sandali pa, nagsimula na ang inihanda kong maliit na program para sa kanila. Una nilang ginawa ay binati akong lahat sa paraan kung paano ako binati ng mga batang sumalubong sa amin kanina.
“Tuloy po kayo sa aming tahanan, Ate Calista at Kuya Fierro!”
Kasama ang ibang volunteer at mga madre dito sa harap, pinalakpakan namin sila.
“Yehey! Maraming salamat!” masayang sabi ko habang pumapalakpak.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Fierro pero hindi ko na pinansin.
“Sino ang gusto ng regalo???” Nagtaasan ng kamay ang mga bibong bata pero ang iba ay tahimik lang na nakatingin sa akin. “O, sige! Kung sino ang may gusto ng regalo, pumunta dito sa akin at magpakita ng talent!”
Nag-unahan ang iba sa pagpunta sa harap kaya naman nagtawanan kami. Si Fierro na ang pinapili ko kung sino ang pauunahin niya, tutal, alam niya naman ang pangalan ng lahat ng bata dito. Ako, hindi.
Sana pala, pinagsuot ko sila ng nametag.
Sa tuwing natatapos kumanta at sumayaw ang bawat bata sa harap, ibinibigay ko ang regalong inihanda ko para sa kanila. Siyempre, bawat regalo dito, magkakaiba at may pangalan kaya naman sa tuwing binabanggit ni Fierro ang pangalan ng nagpe-perform sa harap hinahanap ko na kaagad ang pangalan nito sa mga regalo.
“Ayun! Napakagaling namang sumayaw! Heto na ang regalo para sayo, Jerico!” nakangiting sabi ko.
“Maraming salamat po!” sabi niya pagkakuha ng regalo bago bumalik sa upuan.
Nagtuloy-tuloy pa ang program hanggang sa nakapag-perform na ang lahat ng gustong mag-perform. Pero nagtataka ako kasi may natira pang isang regalo sa lamesa! Nabigyan ko na ang lahat ng batang nandito, eh.