Chapter 02

204 11 0
                                    


    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

    

Matapos kong makuha ang in-order ko, lumabas na ako ng coffee shop habang humihigop sa frappe. Patawid na sana ako ng pedestrian para pumasok sa school nang mapalingon ako sa tumigil sa tabi ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita si Fierro

"Ohh?" I smiled at him. "Good morning."

I suddenly remembered our own little moment that Saturday night. It still made me smile at the thought of it because it was such a chaotic night. Hindi naman 'yon ang unang beses na hinabol ako ng tanod pero yun yung unang beses na may kasama ako.

Bahagya siyang tumango sala ngumiti. "Good morning."

Isa pang hindi ko makalimutan, pagkatapos ng lahat ng 'yon, may kasama akong tumawa at magkape sa pagpapahinga. Nakakatuwa pala.

Tiningnan ko pa siya mula ulo hanggang paa dahil pakiramdam ko, iba ang dating niya sa akin ngayon. Nakasukbit ang isang strap ng backpack niya habang ang dalawang kamay ay nakapamulsa. Nag-iwas ako ng tingin bago tumawid na kasabay niya.

"Hindi ka pa ba nagbe-breakfast?" he asked.

Humigop muna ulit ako bago sumagot. "Nag-breakfast na."

Tumango-tango siya. "So, is that your second round of coffee?"

I chuckled, nodding. "Hindi ko kasi na-e-enjoy ang kape ko sa bahay sa umaga. Kaya inaagahan ko na lang din ang pagpasok nang makapagkape ako dito."

Matapos ma-scan ang mga ID, itinuloy namin ang pagkukwentuhan habang naglalakad sa mahabang pathway papunta sa gymnasium para sa flag ceremony ngayong Lunes ng umaga.

"Palagi ka bang nandoon?" tanong ko habang naghihintay kami na magsimula ang flag ceremony. Inubos ko na ang iniinom ko dahil small size lang naman saka ito tinapon sa malapit na basurahan. "I mean, malapit doon sa graffiti zone?"

Bahagya siyang ngumisi. "Medyo."

Napatango-tango ako. "Anong ginagawa mo ro'n?"

Nagkibit-balikat siya. "Nagpapapawis." He chuckled.

Muli, tumango ako. "Jogging?"

He laughed before turning to me. "Jogging kapag hinabol ng tanod."

Napahagalpak ako ng tawa dahil do'n. Hanggang sa nagsalita na ang SSG President sa stage para simulan ang flag ceremony. Umayos na kami ng tayo habang nakapila: ako sa line ng mga babae habang siya naman sa mga lalaki. We sang the Philippine national anthem and recited the whole Panatang Makabayan.

"Panatang Makabayan. Iniibig ko—ang isa d'yan!" Humagikgik ang bakla sa kilig pagkatapos.

Napalingon ako sa baklang kaklase ko. Tawanan nang tawanan ang mga lalaki sa gawing 'yon habang ang bakla na nagsabi ng line na 'yon ay nag-fi-flip hair pa at kunwari inilalagay ang mahaba niyang buhok sa likod ng tainga. Natatawa na lang din ako habang pinananatili ang kanang kamay na nakataas bago ibinalik ang atensyon sa harap.

Love At The Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon