Chapter 27

138 7 0
                                        

   

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   

Nang sumapit ang 10 p.m., nakahanda na ulit akong lumabas ng bahay. For some reasons, mas excited ako ngayon kaysa sa mga nagdaang gabi na pumupunta ako ro'n. Aminado na rin naman ako sa sarili kong siya na ang dahilan ng pagpunta ko ro'n pero iba yata yung excitement ko ngayon.

Dahil ba 'to sa sinabi ng lalaki kanina na kapareho ng amoy ni Fierro?

Napangiti na lang ako sa naisip bago nag-apply ng kaunting lip tint sa labi. Nagpatuloy lang ako sa paggayak ng tahimik dahil baka magising si Mommy kapag gumawa ako ng ingay dito. Baka mamaya, malaman niya pa.

Nang 10:30 p.m. na, sumilip na ako sa baba at nakitang patay na lahat ng ilaw. Napangiti ako bago kinuha ang cellphone at wallet saka jacket bago pinatay ang ilaw sa k'warto. Dahan-dahan akong lumabas ng k'warto at isinarado ito nang hindi gumagawa ng kahit kaunting tunog. Pagkatapos, marahan din akong bumaba sa hagdanan hanggang sa makarating ako sa ibaba.

Muntik na akong mapatili nang makita ko si Manang na naglalakad papunta sa kusina. Napatakip na lang ako ng bibig dahil do'n. Pinagtawanan niya lang ako bago binuksan ang ilaw sa kusina.

"May nakalimutan lang akong gawin." Nilampasan niya ako. "Sige na, kunwari na lang wala akong nakita."

Napangiti ako bago yumakap sa kan'ya mula sa likod. "Thank you, Manang! You're the best!" mahinang bulong ko sa kan'ya.

Mahina siyang tumawa bago tinapik ang kamay kong nasa tiyan niya. Kumalas na ako at marahang lumabas ng bahay. Nang tuluyang nakalabas ng gate, tumakbo na ako palayo hanggang sa makalabas na ako ng village.

Parang gusto ko nang sumakay ng tricycle, ah?

Umiling ako bago nagsimula nang maglakad papunta sa graffiti zone. Hindi ko alam kung saan ko siya makikita mamaya. Baka dumeretso na siya sa KSD pero daraan na rin ako ng graffiti zone para hindi naman nakakahiya. Baka isipin niya, masyado akong excited dahil dumeretso ako doon.

Well . . . totoo naman. Pero kahit na!

Mas binilisan ko pa ang paglakad nang sa gayon, makarating ako ro'n bago mag-11 p.m. Mabuti na lang talaga, hindi masyadong malayo ang lugar kahit sa kabilang baranggay pa 'yon. Nagagawa kong pumunta doon kahit na anong oras kong gusto at hindi ko kailangang isipin kung may sasakyan ba ako papunta o pauwi.

Exercise na rin . . . kahit na hindi yata tama yung oras para do'n.

Napatigil ako sa paglalakad nang bago ako lumiko papunta sa graffiti zone, nakita ko siyang nakatayo ro'n, nakasandal sa pader habang nakapamulsa ang dalawang kamay. Ngumiti siya bago naglakad papalapit sa akin.

"Hi."

Tumikhim ako kasabay ng pag-iwas ng tingin. "H-Hello. Akala ko sa KSD ka?"

Nagkibit-balikat siya. "Pupunta naman talaga ako do'n. Gusto lang kitang hintayin dito."

Love At The Coffee ShopMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon