Chapter 09

98 7 0
                                    


     

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     

Noong malaman ni Fierro na hindi na ako tumatakas kay Daddy at payag na ito sa paglabas-labas ko sa gabi kasama siya, ramdam ko na hindi na niya ako susubukan pang pigilan na pumunta sa graffiti zone. Ang isa na lang na hiling niya sa akin bago ako pumunta doon . . .

"Bago ka umalis, magpaalam ka sa dad mo."

Napanguso ako bago bago humigop sa iced coffee na binili ko bago itinuloy ang pagdo-drawing sa sketch pad. "Alam naman niyang aalis ako kapag at alam niya kung saan lang ako pumupunta. Alam niya rin naman na ikaw ang kasama ko."

Nagbuntonghininga siya bago sumandal sa upuan saka humalukipkip. "Mainam pa rin na magsasabi ka."

Umiling ako. "So, gabi-gabi akong magpapaalam tungkol do'n?"

Bahagyang umangat ang kanang labi niya. "Gabi-gabi ka nang . . . pupunta do'n?" Tumango ako bago humigop sa kape. "Akala ko ba . . . pupunta ka lang do'n kapag hindi ka okay? Kapag hindi mo kaya i-tolerate yung pangpe-pressure ng mommy mo?"

Napanguso ako bago nangalumbaba. "Ayaw mo ba?"

Bahagya siyang tumawa. "Hindi naman." He smiled. "Gusto ko nga, eh."

I grinned. "I need a reward."

Napakunot-noo siya. "For?"

Nagkibit-balikat ako. "For doing something as you told me."

He chuckled. "O, sige. Kapag nagkita tayo ro'n, bibigyan kita ng reward."

Ngumiti ako nang malawak. "Prepare yourself, Fierro! Hindi ako mababaw humingi ng premyo."

Ngumiti siya ulit bago ipinatong ang mga brasong nakahalukipkip sa table. "Parang ako yung nagkapremyo."

Tinawanan ko na lang siya at hindi na inisip pa kung ano ang ibig sabihin ng huling sinabi niya.

Pinalipas namin ang mga sumunod na oras nang tahimik akong nagdo-drawing habang siya ay nanonood sa akin. Kasabay nito ay ang pakikinig namin ng kantang tumutugtog sa loob ng coffee shop . . . hanggang sa dumilim at inihatid na niya ako pauwi.

Nang matapos kong kumain ng dinner kasama ang mga magulang ko, wala na akong ibang nasa isip pa kung hindi ang pag-alis ko maya-maya, once masigurado kong tulog na si Mommy. Nag-iisip na rin ako ng isusuot kahit na usually, lagi lang akong naka-leggings, hoodie at ball cap.

Feeling ko, gusto kong mag-iba ng suot ngayon.

Nang makaligo at makapaghanda na sa kunwaring pagtulog, dahan-dahan akong lumabas ng k'warto. Tahimik ko rin tinahak ang hagdan pababa para sana pumunta sa master's bedroom pero paliko pa lang ako matapos makababa nang tuluyan, muntik na akong mapatili sa nakitang naglalakad galing sa kusina!

"Why are you still awake?" tanong niya, tinataasan ako ng kaliwang kilay.

"M-Mommy!"

Uminom siya ng tubig mula sa basong hawak. "Bakit hindi ka pa natutulog? May pasok ka pa bukas."

Love At The Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon