Chapter 22

123 5 0
                                        


   

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   

Matapos niya akong mapakalma, mabagal kaming naglakad papunta sa graffiti zone. Kung tutuusin, sobrang lapit lang n'on sa kinatatayuan namin kanina pero sobrang tagal yata naming nilakad 'yon dahil sa bagal at liit ng mga hakbang namin.

Nang makarating kami sa harap ng malaking pader na puno pa rin ng iba't ibang kulay ng pintura na may iba't ibang salita, design, at kung ano-ano pang guhit, tinanggal ko ang takip ng spray paint at nagsimulang magsulat sa pader gamit ito.

I can save lives too!

Pagkatapos n'on, iniabot ko na kay Fierro ang spray paint. Hindi ko na alam kung anong reaksiyon niya matapos mabasa ang mga isinulat ko pero ramdam kong nakatingin siya sa akin ngayon.

"Nag-away ulit kayo ng mommy mo?" tanong niya.

Tumango ako, pinananatili ang titig sa isinulat ko. "Pingpipilitan niya kasi na wala akong mararating sa arts—na walang pera sa art. Na . . . kapag nag-doctor ako, makakapagligtas ako ng buhay." Nag-angat ako ng tingin kay Fierro na malungkot lang ang tingin sa akin. "Hindi ko ipaglalaban nang sobra ang art kung alam kong tama siya."

Tumango-tango siya. "I believe that art can save lives too."

Napakunot-noo ako kasabay ng pagtitig ko sa kan'ya. "B-Bakit?" I gulped. "I mean, yes, art can save lives too, pero bakit naniniwala ka rin doon?"

He smiled before facing the vandalized wall. "Because you believe in it." Hindi ako nagsalita. Nagbuga siya ng buntonghininga. "Alam ko rin na maraming ibig sabihin sa likod ng bawat art na nagagawa ng isang tao." 

Inilahad niya ang kamay para ipakita ang vandalized wall. 

"Tulad nito. Ang gulo na niya pero maraming salita ang hindi kayang sabihin ng bibig ang nandito." Tumingin siya sa akin. "Kung wala ito, walang outlet ang ibang tao sa sakit at bigat na nararamdaman nila."

Nag-init ang sulok ng mga mata ko kasabay ng pag-iwas ng tingin ko sa kan'ya. Nagbuntonghininga ako habang sinusubukang basahin ang bawat salitang nagkapatong-patong na dito.

"Kung wala ang graffiti zone na 'to, hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon." Tumawa ako bago pinunasan ang luhang mabagal na umaagos sa pisngi ko. "Pero bago ako niligtas nito, may isang tao nang nagligtas sa akin."

Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin. "Sino?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko naman talaga siya kilala. Bago lang ako n'on dito. Siya ang nagturo sa akin ng lugar na 'to."

"Ahh . . ." Tumango-tango siya. "Lalaki?"

Tumawa ako bago lumingon sa kan'ya. "Babae."

Ngumiti siya. "Nasaan na siya ngayon?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Matagal naman na kasi 'yon. Grade six or seven pa lang yata ako. Hindi pa ako dito nakatira at hindi pa ako nagba-vandalize dito. Nagpunta lang kami dito ng family ko para sa reunion pero nag-stay kami rito ng isang linggo dahil bakasyon." Nagbuntonghininga ako. "May limang taon na rin yata ang nakakaraan, o apat. Hindi ko na tanda. Pero yung mga sinabi niya sa akin noon, hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin."

Love At The Coffee ShopMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon