Chapter 26

103 4 0
                                    


   

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   

Tumango-tango ako bago ipinagpatuloy na ang pagkain. "Tama. Akala ko, enough na yung action para magsalita ng mga bagay na hindi kayang sabihin ng sarili nating bibig." Tumawa ako nang mahina. "Siguro nga, kailangan 'yon pareho."

Itinuloy na rin niya ang pagkain bago nagsalita.

"Marami namang paraan para sabihin yung hindi masabi ng sariling bibig. Hindi lang basta action. Words din."

Hindi ako nagsalita. Hinintay ko lang siya na magsalita ulit.

"Magre-review ako palagi sa KSD. P'wede ka rin pumunta ro'n kung gusto mong mag-review para sa scholarship test natin."

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. "Ano naman ang re-review-hin natin?"

Nagkibit-balikat siya bago tumingin sa akin. "Junior high notes?"

Umawang ang bibig ko. "Meron ka?"

Umiling siya saka tumawa. "Ikaw?"

"Wala na, nasa Manila!"

Nagtawanan kaming dalawa. "Hindi pala p'wedeng gawing excuse 'yon."

Hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa akin dahil do'n. "Hmm, pupunta rin naman ako doon mamaya. Baka nga every night pa."

"Bakit?"

Nagkibit-balikat ako bago kinuha ang baso na may lamang latte. "Gusto ko ulit matikman ang decaf latte nila," sagot ko bago uminom. Nanlaki pa ang mga mata ko nang mapagtanto na halos magkapareho sila ng lasa! "Kapareho ng lasa—"

"Nagpapaturo ako sa kan'ya." Ngumiti siya. "Kaya pareho ng lasa. Doon ako nagsasanay."

Ngumiti ako. "Kung gano'n . . . eh 'di yun ang gawin mong excuse para pumunta doon."

Ngumiti siya ulit. "Hindi ko alam kung bakit naghahanap tayo ng excuse ngayon para magkita." Tumawa siya nang mahina. "P'wede naman tayong magkita nang madalas kahit na walang rason, 'di ba?"

Ngumisi ako nang bahagya bago nagkibit-balikat. "Lagi akong may rason."

At ang rason ko . . . gusto ko siyang makita at makasama . . . sa mga oras na parang kaming dalawa lang ang tao sa mundo—na parang pagmamay-ari namin ang mundo.

Tumango-tango siya nang may ngiti sa labi. "Ako rin."

Itinuloy na namin ang pagkain. Wala nang nagsalita sa aming dalawa hanggang sa matapos kaming kumain. Pagkatapos n'on, nagpahinga lang ako sandali bago nagpaalam na uuwi na.

"Agad?" tanong niya.

Tumango ako. "Alam ni Mommy na wala akong pasok ngayon. Baka magtaka kung bakit ang tagal ko."

Ngumuso siya. "Hindi mo sinabi kung anong nilakad mo ngayon?" tanong niya. Umiling ako. "Ano pala sinabi mong rason?"

Nagkibit-balikat ako. "Sabi ko lang na magpapasa ng requirements." Tumawa ako. "Hindi naman ako nagsinungaling. Hindi ko lang sinabi kung para saang requirements."

Love At The Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon