|| third installment of "habit series" ||
Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother was very against her dream of pursuing arts. While she's being forced to take a course she never wa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nang matapos ang klase para sa buong araw, iniwan na ako ni Frieda dahil may training pa raw sila ng volleyball. Gusto ko sanang manood kaso nakakatamad naman din kasi, ang init-init doon tapos palagi pang may lumilipad na bola sa akin sa tuwing nakatambay ako do'n!
Tamad na tamad akong naglakad papunta sa coffee shop dahil medyo maaga ang dismissal ngayon at ayaw ko pang umuwi. Medyo pigil pa naman akong magkape ngayon dahil medyo masakit ang sikmura ko.
Bago ako makapasok sa coffee shop, napahinto ako sa humarang sa dinaraanan ko. Nag-angat ako ng tingin doon at nakita si Fierro na may hawak na isang iced espresso at isang frappuccino—parehong venti! Mabilis akong naglaway nang dahil do'n.
"Binilhan na kita ng kape."
Parang hindi muna ako diet sa kape ngayon, ah?
Ngumiti ako bago tinanggap ang iniaabot niya sa akin. "Thank you."
Nagsimula kaming maglakad palayo doon. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta ngayon. Wala ako sa mood mag-drawing dahil wala akong maisip. Gusto ko lang magpalipas ng oras para mamaya na umuwi.
"Kumusta ka naman?" tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. "Wala. Gano'n pa rin. Wala namang pinagbago." I chuckled before sipping at my coffee.
Tumawa ako bago lumingon sa kan'ya. "Ayos lang! Ikaw? Kumusta na ang mga sugat at pasa mo? Medyo gumagaling na ba yung mga ginamot ko kagabi?"
Huminto ako sa paglalakad sa harap niya para tingnan ang mga sugat niya sa mukha. Paulit-ulit naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin pero hindi ko na 'yon pinansin. Napangiti ako nang makita na mas okay sila ngayon kaysa kagabi. Hindi na swollen.
"Medyo okay na pala!" I chuckled. "Ituloy mo lang yung paggamot—"
"Sa susunod na gagawin mo 'yan, magsisisi ka."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "H-Huh?"
Ngumiti siya. "Yan . . . yung lumalapit ka sa akin nang gan'yan kalapit."
Napalunok ako kasabay ng pag-iwas. Bumalik ako sa dating pwesto ko saka kami naglakad ulit. Tumawa naman siya.
"Joke lang."
Lumingon ako kasabay ng paghigop sa kape. "Bakit? Ano ba kasing gagawin mo?"
Ngumiti siya bago humigop sa kape niya. "Ano bang naiisip mo?"
I gulped. "M-Magagalit?"
Tumawa siya. "Bakit naman ako magagalit?"
"Kasi masyado akong malapipt at napapasok ko na ang personal space mo?"
Muli siyang tumawa bago huminto sa harap ko. Inilapit niya ang mukha niya sa akin nang may ngiti sa mga labi. "Kahit ilapit mo pa nang ilapit, hinding-hindi ako magagalit."