Chapter 33

124 3 0
                                        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ouch!"

Hinampas ko kaagad si Fierro nang dahil sa pagdiin niya sa paglalagay ng gamot sa sugat ko sa gilid ng labi. Dumaing din siya nang dahil do'n.

"Dahan-dahan naman, mahapdi!"

Nagbuntonghininga siya bago pinagpatuloy ang paglalagay ng gamot sa sugat ko sa gilid ng labi. "Bakit kasi nakialam ka pa ro'n? Humahanap lang ako ng tiyempo kanina para malabanan ko silang lahat. Biglang nandoon ka na pala."

Umirap ako sa kan'ya. "Tingnan mo nga ang sarili mo, Fierro! Paano ako maniniwala na humahanap ka lang ng tamang tiyempo? Halatang nabugbog ka!"

Nagbuntonghininga siya bago tuluyan nang tinapos ang paglalagay ng gamot sa akin. "Kahit naman siguro sinong marunong makipag-away, magugulpi kung apat yung kalaban tapos sabay-sabay pa umatake." Napailing siya. "Hindi ko nga rin inasahan 'yon, para akong napagtripan."

Ngumuso ako bago kinuha ang mga gamot sa kan'ya. Ako naman ngayon ang naglilinis at naglalagay ng gamot sa bawat sugat na natamo niya.

"Bakit kasi hindi mo na lang sila tinakbuhan? Sana dumeretso ka na lang sa bahay namin para nasundo mo na ako, natakasan mo pa sila!"

Ngumuso siya bago sumagot. "Hindi ko gawain 'yon. I never ran away."

Ilang sandali lang din, nag-serve na ang barista ng order naming decaf latte. "Tama! Kaya kapag nabuntis ka ni Fierro, hindi rin niya tatakbuhan ang responsibilidad niya sa 'yo!"

Nag-init ang mukha ko dahil do'n, kasabay ng pagsipa ni Fierro sa kan'ya at pagtaboy. "Putang ina mo, wala ka nang sinabing matino, doon ka na nga sa post mo!"

Humagalpak lang siya ng tawa bago ibinalik ang tray sa counter saka kinuha ang order ng ibang customer sa kabilang table.

Hindi ako makapagsalita at wala akong ibang magawa kung hindi tumikhim habang pinagpapatuloy ang ginagawa sa mga sugat niya.

"'W-Wag mo na lang isipin sinabi niya. Wala lang talagang masabing tama 'yon."

Bahagya akong ngumiti bago naglagay na ng ointment sa mga sugat niya. "Sobrang close kayo, 'no? Ano bang name niya? Bakit barista lang ang nasa nametag niya?"

Bahagya siyang tumawa. "Ace ang pangalan niya. Nakasama ko na 'yan noon sa kung saan ako dati tumatambay at nakikipag-away. Sa kan'ya ko nalaman ang tungkol doon."

Napatango-tango ako. "H-Hindi ka naman na bumabalik doon, 'di ba?"

Tumawa siya nang mahina bago hinawakan ang kamay kong naglalagay ng gamot sa sugat niya. "Hindi na. Simula nang makita mo ako doon, hindi na ulit ako bumalik pa."

Tumango-tango ako bago iniwas ang tingin sa kan'ya. "Babawalan pa lang sana kita, kasi ngayong girlfriend mo na ako, may karapatan na akong pagbawalan ka sa mga makakasama sa 'yo. Pero mabuti naman at ginawa mo na bago ko pa sabihin." Tumingin ako sa kan'ya. "'Wag na 'wag ka nang babalik doon."

Love At The Coffee ShopMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon