|| third installment of "habit series" ||
Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother was very against her dream of pursuing arts. While she's being forced to take a course she never wa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kinabukasan, in-announce ni Miss Nimfa na kailangan magkaroon ng partnership para sa Personal Development project na deadline sa finals.
"Frieda, partner tayo!" sabi ko nang binigyan na kami ni Miss Nimfa ng time to look for our own partners matapos ipaliwanag kung tungkol saan ito.
"Ayaw ko nga, sawang-sawa na ako sa 'yo!" bulyaw niya sa akin bago tumayo at lumapit sa crush niya.
Napasimangot ako bago itinuon ang atensiyon sa katabi kong si Mona. Isinulat na niya ang pangalan niya sa index card. May ilan din na lumalapit sa kan'ya para tanungin siya tungkol sa pagpa-partner kaso tinatanggihan naman niya.
Tumikhim ako. "Mona, ako! Ako na lang partner mo!" bibong sabi ko.
Baka sa paraan din na 'to, mas makilala at maintindihan ko siya . . . kung bakit sinasaktan niya ang sarili niya.
Lumingon siya sa akin at sumimangot. "Sorry, Calista. Mayroon na kasi akong aayain, e."
Napasimangot ako nang dahil doon bago lumingon kay Caleb. Nakatingin din siya kay Mona habang si Mark na katabi niya, kinukulit-kulit siya! Gusto kong umirap pero mukhang sinamantala ng mga kaklase ko ang chance na 'to para mas makilala at mapalapit sila sa crush nila ah?!
Tumayo ako at naglakad-lakad para tingnan isa-isa ang index card ng mga kaklase ko. Karamihan sa kanila, may mga partner na! Lumapit na rin si Mona kay Caleb pero ako, wala pa rin partner!
"Pakyu! Babaero! Hindi kita bati!" malakas na sabi ni Mark bago nag-walkout.
Sobrang ingay talaga nitong apprentice ni Caleb!
Iaalis ko na sana ang tingin kay Mark nang maalala ko, wala rin siyang partner! Baka p'wede na siya! Napangiti ako nang malawak bago humarang sa daraanan niya.
"Hello!" pagbati ko sa kan'ya habang nakangiti nang malawak.
Sumimangot siya. "Bakit nilalapitan mo ako? Crush mo ba ako?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Ang kapal ng mukha nito!" bulyaw ko bago siya sinuntok saka humagalpak ng tawa. "Itatanong ko lang sana—"
"Calista . . ."
Napalingon kami pareho sa nagsalita sa likod ni Mark. Napaawang ulit ang bibig ko nang makita ro'n si Fierro, nakatingin sa akin nang seryoso. Nilipat niya ang tingin kay Mark saka ngumiti nang bahagya.
"Pare, may partner ka na?" tanong niya rito.
Umiling si Mark bago nagbuntonghininga nang OA. "Si Kriesha wala pa. Kayong dalawa na lang ang mag-partner."
Umirap si Mark. "Ayaw ko, 'tol! Ang sungit-sungit n'on!" Lumingon sa akin si Mark bago tiningnan ang hawak kong index card. "Itong si Calista na lang ang partner ko—"
Mabilis na kinuha ni Fierro ang index card ko sa kan'ya bago ako hinawakan sa palapusuhan saka hinila nang marahan. Napaawang ang bibig ko kasabay ng pagkabog ng dibdib nang dahil doon.