|| third installment of "habit series" ||
Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother was very against her dream of pursuing arts. While she's being forced to take a course she never wa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Tell me, what did you regret all your life?" seryosong tanong niya habang humahakbang papalapit sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin kasabay ng pagpunas ng mga luha ko. "Why are you asking? And why are you even here? Hindi ba nasa Manila ka dapat?"
Tumawa siya, patuloy pa rin sa paghakbang papalapit sa akin. Napasandal na ako ngayon sa pader kaya naman dumikit na sa akin ang pintura na ginamit ko pangsulat kanina.
"Bawal na ba ako dito? Porke nandito ka, bawal na rin ako?" he said, staring at me directly. "Ngayon ka lang ulit bumalik dito pero 'yan ang sasabihin mo sa akin?"
Nang huminto siya sa paghakbang, masyado na kaming malapit sa isa't isa kaya naman ipinaling ko ang ulo para hindi na magtama pa ulit ang paningin namin. Isa pa, kung ipapanatili ko ang paningin sa kan'ya, baka hindi na magawang kumalma pa ng puso kong kanina pa nagwawala sa sobrang lakas ng tibok.
He sighed. "I'm asking you. What did you regret all your life, Calista?"
Sunod-sunod ako sa paglunok dahil sa kaba na nararamdaman ngayong kino-corner na niya ako pero wala naman akong magawa. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata saka pilit siyang itinulak palayo sa akin para umalis doon.
"Wala." I turned my back to him. "Uuwi na ako."
Magsisimula na sana akong maglakad paalis nang mapatigil dahil sa sinabi niya.
"Tatalikuran mo na naman ako. Iiwan mo na naman ako." Tumawa siya. "Gusto ko lang namang malaman kung ano 'yong pinagsisihan mo sa buong buhay mo para isulat mo d'yan. Dati mo namang sinasabi sa akin yung kwento sa likod ng mga salitang sinusulat mo d'yan, ah? Hindi na ba p'wede ngayon?"
Muli, sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Ikinuyom ko ang mga kamao kasabay ng pagpikit ng mga mata bago muling humarap sa kan'ya. Humugot ako ng malalim na buntonghininga bago nagmulat ng mga mata saka tumingin sa kan'ya.
"Buong buhay kong pinagsisihan na . . . binitiwan kita."
Napalunok ako nang makita ang bahagyang pag-awang ng bibig niya. Pinunasan ko ang pisngi na basang-basa na ng luha pero parang wala rin silbi dahil paulit-ulit lang ding nababasa ng mga panibagong luha.
"Buong buhay ko, gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko dito . . . pati doon sa coffee shop. Pati noong sinoli ko ang susi mo." I sobbed. "Buong buhay ko, nakatanim sa puso ko yung pagsisisi kasi hindi 'yon yung dapat na ginawa ko. Na hindi naman talaga 'yon ang gusto ko pero wala akong magawa kasi . . ." I sniffed. " . . . kasi hindi ako okay." My voice broke.
Humakbang siya papalapit sa akin pero pinigilan ko siya. "Calista . . ."
"Hindi ko matanggap na nawala si Daddy sa akin na ang huling salitang narinig niya sa akin ay nagsisisi akong naging ama ko siya." I sobbed repeatedly as more tears fell from my eyes. "Hindi ko matanggap na ang dali kong binitiwan ang pagmamahal ko sa isang bagay para sa isang profession na minsan kong kinamuhian. Hindi ko matanggap lahat ng nagawa kong desisyon noon kasi hindi ako nag-iisip."